Home Headlines Kadiwa ng Pangulo inilunsad sa Bataan

Kadiwa ng Pangulo inilunsad sa Bataan

514
0
SHARE

LIMAY, BATAAN–Kasunod ng mga matagumpay na pagsasagawa ng Kadiwa ng Pangulo sa iba’t-ibang bahagi ng Luzon, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, 31 Marso 2023, ang paglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo sa Limay, Bataan. Ito ay dinaluhan rin ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Fred Pascual na siyang nagbigay ng suporta sa mga maliliit na negosyo o micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na bahagi rin ng caravan.  

Sa pamamagitan ng Kadiwa ng Pangulo, binibigyang access ng pamahalaan ang mga konsyumers sa mura at dekalidad na produktong agrikultural at Basic Necessities and Prime Commodities (BNPCs) Dito ay maaaring makabili ng mga produktong gaya ng sibuyas, bigas, at mga items na gawa ng mga MSMEs na siya namang sinusuportahan ng DTI. Layunin ng Kadiwa na maihatid ng diretso sa mga konsyumers ang mga produktong agrikultural at iba pang mga pangunahing bilihin upang mas mapalaki pa ang kita ng mga magsasaka at makapagbigay ng mas murang bilihin kumpara sa presyo sa merkado.  

Sinabi ni Secretary Fred Pascual na “Ang Kadiwa ng Pangulo ay napapanahon sa adhikain ng pamahalaan na mapalakas ang sektor ng agrikultura sa bansa. Katuwang ang iba’t-ibang ahensya, layunin ng DTI na maging instrumento ng pamahalaan na maibsan ang pagsubok na kinakaharap ng mga mamimili bunsod ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa pandaigdigang merkado. Kailangan rin nating alalayan ang pamahalaan na masigurong may sapat na supply ng pagkain sa bansa.”  

“Hindi lang ‘yan, dahil sa caravan na ito, nabibigyan rin ng oportunidad ang mga MSMEs na ibenta o i-showcase ang kani-kanilang mga produkto. Kailangan nating palakasin ang sektor na ito at lalo pang i-angat ang kalidad ng kanilang mga produkto,” saad pa niya.  

Ang Kadiwa ng Pangulo Caravan ay dinaluhan ng pitumpu’t anim (76) na maliliit na negosyo kung saan dalawampu’t walo (28) sa mga ito ay tinutulungan ng DTI. Ilan lamang sa mga produktong itinampok sa caravan ay ang tuyo o dried fish ng Balanga, buko pie ng Morong, cashew nuts ng Morong at Bagac, kape na nagmula sa Orani at Samal, at at mga bags mula sa Mariveles at Dinalupihan.  

Ang Kadiwa ng Pangulo ay tuluy-tuloy na ilulunsad sa iba pang mga karatig na probinsya sa pagtutulungan ng Office of the President (OP), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), National Food Authority (NFA), local government units (LGUs), at iba pang mga ahensya ng gobyerno. Target ng pamahalaan na palawigin at paramihin pa ang Kadiwa caravans na ngayon ay tinatayang nasa 500 na.  

Dumalo rin sa caravan sina House Speaker Martin Romualdez, DSWD Secretary Rex Gatchalian, DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, DTI Assistant Secretary Dominic Tolentino, DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, TESDA Regional Director Balmyrson Valdez, Bataan Governor Joet Garcia, Cong. Ambet Garcia, Cong. Maria Angela Garcia, Cong.  Geraldine Roman, Limay Mayor Nelson David, Vice Mayor Rhichie David.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here