Home Headlines Karambola ng sasakyan, 21 sugatan

Karambola ng sasakyan, 21 sugatan

1087
0
SHARE
Ang nagkarambolang sasakyan. Kuha ni Johnny R. Reblando

LUNGSOD NG OLONGAPO – Apat na babae at 17 lalaking pasahero ang sugatan nang banggain ng isang bus ang sinasakyang jeepney sa Barretto National Highway, harapan ng MHD Tiles Center sa lungsod na ito umaga ng Marso 31.
Sa imbestigasyon ng traffic division ng Olongapo City Police Office, galing ng bayan ng Subic ang Victory Liner bus (Body  No.1262 plate No. CXN 791) na minamaneho ni Joemar Elayda y Español, 34, ng Purok-2 Banban Masinloc, Zambales, patungong Olongapo City at habang binabagtas ang kahabaan ng Barangay Barretto nag-overtake ito hanggang sa mahagip ang Toyota Avanza Wagon (NAH-2105), Toyota Fortuner (TJQ-962) at Mitsubishi L300 (UBE-153).


Ayon sa ulat, matapos banggain ng bus ang tatlong sasakyan, binangga din nito ang kasalubong na pampasaherong jeepney (Body No. 086 plate No. CWH 127)  na minamaneho ni Jessel Jun Tesoro y Madriaga ng Alusiis, San Narciso, Zambales kung saan sakay ang mga nasugatang pasahero.
Ang mga sugatan ay kaagad na isinugod ng mga rescuers ng Barangay  Barretto sa James Gordon Memorial Hospital para lapatan ng lunas.
Ang driver ng bus ay nahaharap ngayon sa kasong “multiple physical injuries with damages to properties” habang ito ay nasa pangangalaga ng Police Station 1 ng Olongapo City Police Office.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here