Mag-asawa pinaslang sa Zambales

    422
    0
    SHARE
    PALAUIG, ZAMBALES – Isinailalim na sa manhunt operation ng mga tauhan ng Zambales Police Provincial Office (ZPPO) ang suspek na responsible sa pagpatay sa mag-asawa sa Barangay Pangolingan sa bayang ito.

    Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Juvy Tugade, 45-anyos, magsasaka, dating miyembro ng Philippine Army, tubong Barangay Tugui-Norte, Bani, Pangasinan at Marly Oxonain, 44-anyos at residente ng  Barangay Matalvis, Masinloc, Zambales.

    Ayon sa ulat bago napatay ang mag-asawa ay nakarinig ang mga kapitbahay ng makakasunod na putok ng baril at laking gulat na lamang kinabukasan ng makita ang mag-asawa na patay na sa kanilang inuupahang bahay sa Sitio, Pawo, Barangay Pangolingan, Palauig, Zambales.

    Ang mag-asawa ay may tama ng bala at saksak sa ibat-ibang bahagi ng kanilang mga katawan.

    Narekober sa pinagyarihan ng krimen ang may 10 basyo ng bala ng kalibre 45 pistola.

    Kaugnay nito, inatasan na ni ZPPO director, Senior Supt. Rafael Santiago ang hepe ng pulisya sa Palauig na magsagawa ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa brutal na pagkakapaslang ng mag-asawa.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here