5 menor-de-edad nailigtas mula sa videoke bars

    456
    0
    SHARE
    OLONGAPO CITY- Tatlong mga menor-de-edad na nagtatrabaho bilang mga entertainers ang na-rescue ng pulisya sa isinagawang raid sa isang videoke bar noong linggo ng madaling araw.

    Ang mga na-rescue na mga kabataan ay nasa edad na 14-anyos at 17-anyos na nagtatrabaho bilang entertainers sa Darcy videoke bar na matatagpuan sa Brill St., Barangay West Bajac-Bajac ng nabanggit na lungsod.

    Ang pagsalakay ay isinagawa ng pulisya at City Social Welfare and Development Office (CSWDO) matapos makatanggap ng report na may mga ilang kabataan ang nagtatrabaho bilang entertainers sa naturang videoke bar.

    Ang mga na-rescue na kabataan ay nasa pangangalaga na ng City Social Welfare Development Office, samantalang ang may-ari ng videoke bar na si Maida Siore ay ipaghaharap ng kaukulang kaso.

    Sa Zambales dalawa na menor de-edad din ang na-rescue ng pinagsanib na tauhan ng Zambales police, Manila Police District at Department of Social Welfare and Development ng kanilang i-raid ang isang bar sa bayan ng San Antonio, Zambales.

    Sa pamumuno nina Chief Inspector Rogelio Penones ng Zambales police, Chief Inspector Nicolas Pinon ng Manila Police District at Atty. Ja Dela Fuente ng DSWD Manila, kanilang na-rescue ang dalawang 17-anyos na kabataan na nagtatrabaho bilang receptionist sa Resto Bar na matatagpuan sa National Highway Barangay West Derita, San Antonio, Zambales.

    Ang mga na-rescue na kabataan ay nasa pangangalaga na ng DSWD Manila, Samantalang isinailalim sa manhunt operation ang may-ari ng bar na si Monete Simara na wala sa lugar ng isagawa ang raid.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here