OLONGAPO CITY – Pitong mga kababaihan, kabilang na dito ang apat na menor-de-edad ang nasagip sa isang cybersex den sa magkahiwalay na pagsalakay ng mga awtoridad sa Olongapo at Mabalacat, Pampanga.
Pinangunahan ang raid ng mga tauhan ng Zambales Criminal Investigation and Detection Team (ZCIDT), Pampanga Provincial Public Safety Company (PPPSC) at Criminal Investigation and Detection group (CIDG) Anti-Trans National Crime Division, Camp Crame sa No. 66 Miranda Compound, Ramos St., barangay East Bajac-Bajac, dito.
Ang pagsalakay ay isinagawa bandang 2:30 ng hapon ng grupo na pinamunuan nina Chief Insp. Alex Daniel ng ZCIDT, Senior Inspector Michael John Riego ng PPPSC at Inspector Robert Reyes ng CIDG sa bisa ng Search Warrant na ipinalabas ni Executive Judge Ramon Pamular, RTC Branch 32 ng Guimba, Nueva Ecija.
Huli ang maintainer ng cybersex den na si Monaliza Domalanta, samantalang ang kasamahan nitong si Flory Miranda ay wala sa nasabing lugar ng isagawa ang raid.
Huli din sa akto habang nakahubad na nasa harapan ng computer ang isang menor-de-edad habang nagpe-perform ng malaswang gawain.
Kabilang sa mga nailigtas ng pulisya ay mga kababaihan na may gulang 18-25 at ang apat na menor-de-edad na pawang mga residente ng Mabalacat, Pampanga.
Nabatid sa ulat na ang mga biktima ay pamangkin ni Domalanta na kinuha nito para mag-perform sa cybersex den.
Narekober ng pulisya ang may anim na computer monitor, 10 CPU; walong ibat-ibang lubricant lotion; mga assorted na bank receipt at iba pang gamit sa cybersex den.
Ang mga suspek ay nasa pangangalaga na ng ZCIDT habang isinasagawa ang imbestigasyon kung sino ang mga nasa likod nito.
Naharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 (Section 4 of Anti-Human Trafficking in persons Act of 2003) si Domalanta.