Italyano kalaboso matapos makapatay ng trike driver

    425
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG OLONGAPO CITY – Patay ang isang tricycle driver nang mabangga ito ng Nissan Patrol  na minamaneho ng isang Italyano sa Baranagay Kalaklan, dito kamakailan.

    Kinilala ng pulisya ang biktimang dead-on-the-spot na si Lovener Remedios, 28, ng Barangay Wawandue, Subic, Zambales.

    Nagtamo naman ng bali sa kanang braso si Froilan Palaruan, backrider ni Remedios at kasalukuyang ginagamot sa James Gordon Memorial Hospital.

    Sa imbestigasyon ni PO3 Hortencio Javier, Olongapo City Traffic police investigator, minamaneho ng Italyanong si  Gianni Balin, 68, at residente  ng Lot-7B, New Manila, Subic Bay Freeport Zone ang black Nissan Patrol na may plakang RAR-335 sa kahabaan ng National Highway, Barangay Kalaklan, ng mabangga ito ng isang tricycle na may plakang XM-749 na minamaneho naman ni Remedios.

    Ayon kay Javier posibleng nakainom ang driver na si Remedios dahil na rin sa testimonya ng mga saksi nang sabihin ng mga ito na masyadong matulin ang takbo ng tricycle na napunta na sa kabilang lane ng kalsada na siya namang tinatalunton ng Nissan patrol.

    Sinabi naman ni Evangeline Madera, girlfriend ng Italyanong si Balin, sasagutin nila ang lahat ng gastos sa biktima pati na ang pagpapagamot kay Palaruan.

    Si Balin ay detinido sa Precinct 1 ng Olongapo City Police Office at inihahanda na ang kasong homicide and physical injury with damage to property through reckless imprudence.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here