SUBIC, Zambales – Tinatayang aabot sa apat na toneladang bakal (H-Beam) ang nasabat kamakailan ng mga barangay Tanod at Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (MFARMC) habang ito ay ibinababa sa bangkang de-motor sa baybayin ng Barangay Calapandayan ng nabanggit na bayan.
Ayon kay Lauriano Artagame, chairman ng MFARMC, nagtungo ang mga mangingisda sa kanyang tanggapan upang ipagbigay alam na may mga ibinababang bakal sa baybayin ng Calapandayan na nagmula sa barko na naka-anchor sa Parola na sakop ng Subic Bay.
Huli sa akto habang ang mga bakal ay tinitimbang ng mga crew ng MV Sea Baron at mga tauhan ng DL Junkshop ang may 22-pirasong H-Beam na bakal habang ang ilan naman dito ay nakasakay na sa 6-wheeler truck na may plakang TAG-682 na pagmamay-ari ng DL Junkshop na matatagpuan sa barangay Matain, Subic, Zambales.
Sinabi naman ni Calapandayan Barangay Captain Ruel Sarmiento na ang mga bakal ay galling sa barko, nangangahulugan na imported ang mga ito at kinakailangang bayaran ng kaukulang tax at ibinaba ito sa kanyang barangay ng walang kaukulang papeles.
Ang Panamian Flag Vessel, MV Sea Baron na pagmamay-ari ng Haciuma Steamship Co. LTD., ay naka-anchor sa Subic Bay mula pa noong Mayo bago ito nabili ng isang Indonesian National.
Sa isinagawang imbestigasyon ng Philipine Coast Guard, Subic Station, inutusan ni Master Captain Dionisio Dandan ang kanyang mga crew na putulin ang mga bakal at gawin itong mga scrap at saka ibenta sa Junkshop, ito’y sa pahintulot umano ng may-ari ng barko.
Sinabi naman ni LCDR Odilon Alcantara na hindi na saklaw ng PCG Memorandum Circular No. 06-09 dated July 30, 1996 na kinakailangan kumuha ng salvage permit dahilan sa gamit naman sa barko ang kanilang ginawang scrap at hindi ito kasama sa parte ng barko.
Kaagad naman itong dinala sa tanggapan ng Subic Police Station matapos i-turn over ito ni Sarmiento, subalit kaagad namang pinakawalan ng pulisya ang truck na pinagsakyan ng mga bakal sa di maipaliwanag na dahilan.
Ipinag-utos naman ni Romeo Renojo, chief Maritime Security and Investigation ng Seaport Department, ang pagpapahinto sa ginagawang pagpuputol at pagbebenta sa mga bakal na nasa MV Sea Baron hangang hindi sila nakakapag-comply sa Rules and Regulation on selling scrap materials na ipinatutupad ng Subic Bay Metropolitan Authority at kung kinakailangan magbayad ng penalty ay kanila pa itong pinag-aaralan.
Nitong June 27, nagbenta ng mga “used oil” ang mga crew ng MV Sea Baron at isinakay sa banca King Gimuel at saka ito dinala sa bayan ng Mariveles, Bataan.