Home Headlines PhilHealth at DICT, nagkasundo para sa mas maayos na digitalization system

PhilHealth at DICT, nagkasundo para sa mas maayos na digitalization system

603
0
SHARE
(L-R): DICT Undersecretary David L. Almirol, Jr., Secretary Ivan E. John Uy, PhilHealth President and CEO Emmanuel R. Ledesma Jr., at Senior Vice President and Chief Information Officer Jovita V. Aragona.

Lumagda kamakailan ng isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Department of Information and Communication Technology (DICT) upang magkaroon ng synchronized at well-coordinated ICT system at mas matiyak ang integration, interoperability at interconnection ng systems at applications ng dalawang ahensya.

Dahil sa nasabing kasunduan, inaasahang mapapabuti ang serbisyo ng PhilHealth sa 111 milyong Filipino nasaan man sila sa mundo.

Sa ilalim ng partnership, susuriin ng DICT ang kasalukuyang sistema ng PhilHealth para makapagbigay ng rekomendasyon at istratehiya para mapagbuti pa ang ICT system ng nasabing ahensya.

“Maraming proseso at serbisyo ang PhilHealth na kailangan ng computerization at digitalization upang lalong maging mabilis at kasiya-siya sa lahat ng Filipino. Isa ito sa mga plano na inilahad namin kay President Bongbong Marcos Jr. Hindi namin bibiguin ang Pangulo at ang lahat ng kababayan natin”, ani ni PhilHealth Chief Emmanuel R. Ledesma, Jr..  Nagpasalamat din siya sa DICT team sa pangunguna ni Sec. Ivan John Uy at Usec. David Almirol, Jr. para sa kanilang suporta sa PhilHealth digital transformation plan.

Sinabi naman ni Sec. Uy na ang kasunduan ay maituturing na “milestone in terms of e-governance” dahil ito ay tutugon sa matagal nang hamon ng pagdi-digitize ng public health care. Dagdag pa ni Uy, makakatulong ang naturang partnership sa pagbibigay ng mas mabuting serbisyo at pagpapadali ng paggamit ng benepisyong PhilHealth.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here