Construction ng tulay sa botolan mabagal

    499
    0
    SHARE
    Napakabagal ng mga tauhan ng Zambales DPWH sa ginagawang construction sa tulay at “foot bridge” na dapat ay nadadaanan na ng mga commuters papauwi sa kani-kanilang bayan sa Northern at Southern Zambales.

    Iilan kasi ang nagtatrabaho at ang ilan naman dito ay pakitang tao lamang may masabi lamang na may gumagawa ng tulay.

    Siyempre mga bida ang taga DPWH, arawan yata o tuwing kensinas ang mga ito kung sumuweldo kaya tinutunbasan lamang nila ito sa pagtatrabaho kung kaya isa sa mga dahilan na mabagal na pagkilos at naapektuhan ang taumbayan.

    Sa panayam ng CASTIGADOR kay Zambales DPWH District Engineer HERCULES MANGLICMOT, aba e! aabutin pa daw ito ng mga ilang lingo bago matapos ang tulay, ganyan po kabagal ang ginagawang construction.

    Aba! ENGINEER tatlong lingo mula ng masira ang kalsada, yung totoo ang sabihin hanggang kelan ito matatapos? 

    Lumalabas tuloy na hindi handa ang DPWH Zambales pagdating sa ganitong mga kalamidad, walang sariling desisyon at may inaantay pa kung anong utos o ano pa man mula sa kung sinong PULITIKONG PULPOL.

    Sa ganitong sitwasyon, ang kawawang naapektuhan ay yaong mga estudyanteng pumapasok sa bayan ng Iba, Zambales na bago makarating sa eskuwelahan ay dadaan muna ito sa pagka-haba-habang pila at palipat-lipat ng sakayan.

    Gumagatos din dito ang mga estudyante sa kanilang pamasahe na umaabot sa P100 kada araw. Hindi ba kayo naawa sa ganitong sitwasyon. Inuuna kasi ang papogi e, bago nagtatrabaho.

    Sa kabilang dako, pabor naman ito sa mga mangingisda na nagmamay-ari ng bangka sa halip na pumalaot, ang ginagawa ay namamasada na lamang ang mga ito,  mas malaki anila ang kanilang kita, nakatulong ka na sa kapwa mo, kumita pa ang Barangay dahil sa may porsiyento na kanilang ibinibigay sa kanilang bawat biyahe. Pati Barangay natuto ng mangotong.

    Tikom naman ang bibig ng ilan mga opisyal ng bayan at lalawigan at nag-aantay kung kelan matatapos ang daan. Tinamaan ng magaling!

    Kasi po, aminin man ninyo o hindi kitang-kita kayo, ang inaatupag ng mga opisyal ng bayan at lalawigan ay ang magpunta sa mga evacuation center upang tingnan ang kalagayan ng kanilang mga BOTANTE, eheste! mga kababayan pala na apektado ng kalamidad.

    Paano po kasi ilang buwan na lamang 2009 ELECTION na at abo-abot na ang kanilang mga pangako at pasimple pa kung magsabi na-“HUWAG NIYO AKONG KALIMUTAN HA!”

    Panawagan ng mga ZAMBALEÑOS, DPWH bilisan naman ninyo ang paggawa ng tulay.

    Trabaho kayo mga tsiong…!#


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here