RA 6713 dapat ipatupad

    437
    0
    SHARE
    Paala-ala lamang sa taong nakakalimot, lalo na sa mga PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES na tila nakalimutan ng ipatupad o kaya’y sadyang hindi ginagawa ang RA 6713, Code of Conduct and Ethical Standard of Public Officials and Employees.

    Alam ninyo ito diba? Sa madaling salita “You are accountable for whatever observation to your position”, at nagawa na ba ninyo? Hindi lamang ito sa lalawigan ng Zambales, Olongapo kundi sa pangkalahatang ang aking tinutukoy.

    Tulad ng sinabi ni Zambales Governor Amor Deloso na kanyang ini-imposed sa lalawigan ang “0” corruption, paano ito maipapatupad kung ang ilan sa mga opisyal ng lalawigan ay hindi ipinapatupad ang RA 6713, at batay sa sa lumalabas na pag-aaral o statistic P38-Billion kada taon ang nawawala dahil sa corruption.

    Patunay lamang ito na MATALINO man o MAGALING ang isang PUBLIC OFFICIALS and EMPLOYEES, kung hindi TAPAT  at wala sa puso nito ang paglilikod sa bayan bale wala ang lahat.

    Kapag ipinatupad ng bawat namumuno at mga empleyado nito ang RA 6713, tiyak, tatawagin silang mga “HONEST” nga bang mga opisyal at empleyado?

    He he he, kapag nagyari ito, ang nakakalungkot mababawasan ang kita gaya ng mga bigay, donasyon etc., na sa pang-araw-araw na ibinibigay nila “manoy at manay” kina Sir/Mam na dapat sa mga nangangailanagan ay napupunta pa sa kanila.

    Nitong nakakalipas na buwan ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay nagmahagi ng Memo hinggil dito upang bigyan ng paala-ala ang bawat Public Officials and Employees at ilang lamang sa nakapaloob sa RA 6713 Section 2, nakasaad dito “ State that Public Officials and Employees shall at all times he/she accountable to the people and shall render services with at most responsibility, loyalty, honesty . . .”

    Tinitiyak ng CASTIGADOR  wala pa isa man sa ating mga PUBLIC OFFICIALS and EMPLOYEES ang nakagawa nito dahil kalimitan reklamo ang malimit na ipinaparating ng taumbayan sa kanila ang hindi marunong makipagkapwa tao.

    Sa katunayan niyan nawala na rin sa kanilang isipan na kapag pumasok ka sa mga Government Offices yung nakapaskil na “MAMAMAYAN MUNA, BAGO MAMAYA NA”, nakalimutan na rin yan.

    Tama po ba?

    Uppps! Paala-ala lang taman huwag magalit.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here