Home Headlines Ilang drivers hindi na sasama sa jeepney strike

Ilang drivers hindi na sasama sa jeepney strike

515
0
SHARE
Ang mga miyembro ng BMPM-JODAI na nagdesisyong hindi na sumama sa protesta sa Lunes. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MALOLOS — Hindi na sasama sa ikinakasang jeepney strike sa March 6 ang ilang mga jeepney drivers at operators sa lungsod.

Ayon kay Rogelio Carlos, pangulo ng Bayan-Maunlad-Pinagbakahan Jeepney Operators and Drivers Association Inc., hindi na sila sasama sa jeepney strike matapos ang kanilang pakikipag-usap sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board at pagbigyan ang kanilang mga kahilingan.

Bukod sa extension ng kanilang prangkisa ay pumayag na daw ang LTFRB na tanggalin na ang P5,000 penalty sa mga pasong rehistro ng mga jeepney.

Pinagbigyan na din daw ng LTFRB ang sale and transfer ng kanilang mga sasakyan.

Dahil sa magandang resulta aniya ng pagpupulong kayat napagdesisyunan na nila na huwag sumama sa transport strike.

Matapos nito ay umaapela din sila sa LTFRB na huwag nang i-phase out ang kanilang mga jeep at sa halip ay isailaim na lang ito sa rehabilitasyon at pagpapalit ng makina.

Maikli lamang kasi, ani Carlos, ang kanilang byahe sa Malolos na nasa apat na kilometro at hindi na kailangan pang sumailalim sa modernization program.

May kamahalan kasi aniya ang mga ito at pihadong mahihirapan sa pagbabayad ang mga jeepney drivers.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here