Buwitre sa Custom Port of Subic

    441
    0
    SHARE
    Tinamaan na din ba ng ECONOMIC CRISIS ang tanggapan ng BUREAU OF CUSTOM, Port of Subic na isa sa mga itinuturing na pinaka CORRUPT na ahensiya ng pamahalaan kaya ganun na lamang ang ginagawang panggigipit nito sa mga PROCESSOR/LOCATOR sa loob ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa pamamagitan ng puwershang panghihingi ng linguhang TARA o LAGAY.

    Sa ipinaabot na reklamo sa CASTIGADOR, itong si MR. A ng Custom Intelligence and Investigation Service (CIIS) ay napakatakaw pala sa PERA ng may PERA at hindi pa ito nakokontento sa inaabot na lagay tuwing araw ng BIYERNES para sa kanyang pang-sariling kapakanan.

    Peste ka, kaya pala ang ganda sasakyan mo, at may KULASISI ka pang ibinabahay sa gapo, kaya ganun ka pala katakaw sa PERA.

    Mantakin mo hinihingian ni MR. A ng 500 PESOS per unit ng truck ang bawat locator para lamang ma-process ang kanilang papeles at kapag hindi nakapagbigay ng lagay, iniipit ang kanilang mga dokumento, samantalang maayos naman ito at ang lahat ay bayad ng TAXES and DUTIES.

    Aba! At hindi lamang pala itong si MR A ang gumagawa nito, yun din palang mga SIGNATURIES  o yung mga pumiperma sa mga dokumento ay may lingguhang TARA? Kung sa sampung unit ng sasakyan at 500 pesos per unit ang hinihingi, 50-thousand maliwanag kada biyernes ang nalilikom ng bawat isa sa mga CORRUPT na taga Custom.

    Ito palang si MR. A, ay naka-ilang ulit ng nagsa-uli ng pera dahil naliitan daw ito sa ibinigay sa kanya at nagpapa-dagdag. Ang masakit dito, bigla niya itong binawi dahil sa umanoy alang pang-gastos. He he he. . . buwitre talaga!

    Sabagay hindi na ito nakapagtataka dahil itong si MR. A ay matagal ng isinusuka sa kanilang departamento, bukod sa may kayabangan kung umasta, may ugali pa daw itong maka-sarili.

    Payo ko naman dito sa mga PROCESSOR, itama ninyo ang inyong trabaho at tigilan na ninyo ang kinaugaliang pagbibigay ng anumang lagay kung ayos naman ang inyong mga dokumento, ang nagyayari tuloy “walang pera, walang pirma”.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here