Ito ay bunga ng kapabayaan ng mga Contractor at Sub-Contractor na hindi marunong magpatupad sa pinaiiral na SAFETY measures habang nasa paggawaan ng barko.
Marami ng aksidente sa HANJIN na kinasasangkutan ng mga Pinoy na manggagawa ang namamatay, pero ni isa man sa mga KOREANO at Sub-Contractor ng Hanjin ay wala pang napaparusahan.
Nararapat lang kumilos dito ang SENATE LABOR COMMITTEE na muling magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa sunod-sunod na pagkakamatay ng empleyado ng Hanjin.
Nauna nang nagsagawa ng imbestigasyon ang Senado hinggil sa pagkamatay ng 15 manggagawa sa magkakahiwalay na aksidente sa Hanjin may ilang buwan na rin ang nakakalipas.
Kasunod dito, ang imbestigasyon sa pagpapatayo ng Hanjin ng dalawang condominium sa gitna ng kagubatan ng dating base militar ng Estados Unidos kung saan mga naglalakihang puno ang winasak dito.
Kaya nga lang natigil ang imbestigasyon matapos na magka-sundo ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at Department of Labor and Employment (DOLE) at Hanjin na magsagawa sila ng kaukulang aksiyon.
At sa ganitong sitwasyon, masyadong malambot ang pakikitungo ng pamahalaan sa kabila ng rekomendasyon ng Senado na ipasara ng tuluyan ang kumpanya dahil sa pagbalewala sa mga umiiral na batas sa Pilipinas.
Ano na kaya, ang nagyari sa kasunduan ng DOLE at SBMA? Panibago na naman ba itong hocus-pocus at nasasakripisyo na naman ang kawawang manggagawa na walang nakakamit na katarungan?
Hindi tayo tutol sa development, ang gusto lamang natin ay sumunod ang mga imbestor sa pinaiiral na batas upang makaiwas sa anumang disgrasya.
May ilan naman tayong opisyal ng pamahalaan na di bale ng madisgrasya basta tumanggap sila ng malaking GRASYA!
Libong manggagawa na ang nagtatrabaho sa Hanjin, pero araw-araw may nadidisgrasya.
Pesteng mga opisyal na ito, kumilos kayo bago maubos ang sambayanang manggagawang PILIPINO.