SAN RAFAEL, Bulacan — Binuksan ng Metro Pacific Investment Corp. (MPIC) katuwang ang Israeli-based partner nito na Innovative Agriculture Industry Ltd. ang 22-ektaryang vegetable greenhouse facility sa Barangay Salapungan para tumulong na palakasin ang sustainable farming practices at modern farming technology sa bansa.
Pinangunahan ni MPIC chairman, president and CEO Manny V. Pangilinan ang pagpapasinaya nitong Peb. 20 ng nasabing pasilidad kasama ang ilang lokal na opisyal sa Bulacan.
Target ng proyektong ito na makapag-ambag sa produktong agrikultura at malaunan ay maginig agriculturally independent ang bansa.
Ang pasilidad ay may full value chain mula sa seedlings production, vegetable cultivation, sorting, packaging, hanggang sa pagbebenta sa mga palengke at supermarket.
Inaasahan na sa susunod na 12 buwan ay magagamit na ang nasabing pasilidad na tinatayang aabot sa halos P1 bilyon ang halaga ng proyekto.
Ani Pangilinan, sisiguruhin din nila na abot-kaya ang mga presyo ng gulay na maipo-produce dito.