Home Headlines ‘To withdraw as counsel for a client denotes of no good will’

‘To withdraw as counsel for a client denotes of no good will’

422
0
SHARE

Sa pamamagitan ng ‘mainstream media’
kung saan ang inyong manunulat isa
sa aktibo pa rin bilang kolumnista,
mayrun akong ninanais na ikanta.

Ito ay hinggil sa aking masasabing
marangal na tao yan sa unang tingin,
titulado’t saka ya’y pastor pa mandin,
subalit pabaya sa kanyang tungkulin.

Kabilang siya sa kilusang ‘Ega Fed
Movement for a Change of form of government
like what our dear respected President
Rodrigo Duterte for a new management
Aimed by Nur Misuari but didn’t materialize.

Nabanggit kay Jr, ng isa kong anak
na si Mary Jane ang kaso ko sa DARAB
laban sa nagsangla sa isang Rural Bank
ng ‘landholding’ nito o ‘allocated lot’;

Na nabili ko ‘thru a Public Auction Sale’
pero nanatili sa kanyang ‘alibi’
ang Respondent na ang isinagla raw n’yan
ay di lupa kundi ang kanilang bahay?

Dito umentra ang ubod d’yan ng galing
na de kampanilya yatang Attorney rin,
kung saan ay di kami sisingilin
ng ‘acceptance fee’ pati riyan ng ‘appearance’ din.

Maipanalo lang namin sa Department
Of Agrarian Reform ang ‘3 decades old case,
na ‘up to this point in time’ nga ang pagdinig,
mas madalang pa sa kidlat sa tag-init!

Pero matapos makapag- ‘filed’ nga ito
ng ‘appearance’ para sa naturang kaso,
aba’y humirit yan k ay Mary Jane mismo
ng 50K para sa ‘Associates’ nito!

So, ano pa nga bang aming magagawa
kundi bigyan siya ng hindi inakala
naming isisingil n’yan kara-karaka
upang ang kaso’y di lalong maantala.

At ang masakit ay humirit na naman
ng 50K matapos ang isang buwan
pagkat di raw sapat ang unang binigay
para sa ‘Associates’ ng abogadong yan.

Nag-bigay muli ang anak kong babae,
Liban sa 5K na para ‘appearance fee,’
na bagama’t sabi nga nito ay libre,
pikit-matang kaming nagpasensya pati.

Pinakamatinding ginawa ay itong
pag- ‘filed’ nito basta ng ‘Motion to Draw
Appearance’ matapos lang ang ilang linggong
mag- ‘file’ ng kung anong mali yatang aksyon.

“Sir. hindi po namin kayo pinipilit
harapin ang bagay na kayong may nais
hawakan, subalit wala sa matuiwid
ang sa amin ninyo ginawang masakit.

Ibalik mo na lang ang 70 percent,
na iyong kinuha bagama’t di sulit
itong ikaw mismo ang nag-alok pilit
ng ‘legal assistance’, ‘but it’s of no good faith’!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here