Home Headlines Rollout ng SIM registration sa Bulacan

Rollout ng SIM registration sa Bulacan

707
0
SHARE
SIM registration sa Calumpit. Kuha ni Rommel Ramos

CALUMPIT, Bulacan — Isinagawa ng National Telecommunications Commission, Department of Information and Communications Technology, Department of Interior and Local Government, lokal na pamahaaan ng Calumpit, at ibat-ibang mga telcos ang rollout ng SIM registration nitong Huwebes.

Ito ay para mapalawig at mapabilis pa ang pagpapatala ng mga SIM cards lalo na sa mga remote areas gaya ng bayan ng Calumpit.

Ayon kay Engr. Wilson Lejarde, NTC-Region 3 chief of operation and licensing division, sa kanilang tala sa kasalukuyan ay nasa 24,922,250 SIM card subscribers na ang nakakapagparehistro. Ito ay nasa 14.75% pa lang ng target na total SIM subscribers na 168,977,773 sa buong bansa.

Sa ngayon, ayon kay Lejarde ay marami na ang nahihikayat na magprehistro dahil sa mga ginagawa nilang information campaign.

Priority aniya sa pagpaparehistro ay ang mga lugar na walang internet access gaya ng Bulacan, Bataan, at Quezon para matulungan ang mga subscribers sa pagpaparehistro.

Ang ilan pa sa nakikitang problema sa nagaganap na SIM registration ay may mga subscribers na walang valid IDs.

Kailangan kasi ang valid ID sa pagpapatala ng SIM kaya’t ayon sa NTC, sa kasalukuyan ay inaayos na nila ang sistema para solusyunan ito gaya ng paglalagay na rin ng one-stop-shop kung saan ay kasama na sa rollout ng SIM registration ang issuance ng valid IDs.

Sa kabila nito ay kumpyansa ang NTC na makakapagrehistro ang lahat ng SIM subscribers hanggang sa itinakdang deadline.

Samantala, reaksyon naman ng ilang mga nagparehistro sa naturang rollout ay naging mabilis naman ang proseso ng kanilang pagpaparehistro.

Natutuwa sila sa ganitong programa na may rollout registration at naging madali ang kanilang pagpaparehistro dahil hirap sila sa signal ng internet.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here