Home Headlines Ano sa tingin n’yo ang hirit ng SFELAPCO?

Ano sa tingin n’yo ang hirit ng SFELAPCO?

395
0
SHARE

ITONG ginanap na ‘public consultation’
na isinagawa sa city ‘Heroes Hall’
ng San Fernando, (P) kung saan si Mayor
‘Vilma Caluag’ ang kwenta nag-‘schedule’.

Ng matatawag na ‘Emergency Meeting’
at kung saan iba’t-ibang Sector natin
sa lungsod, kabilang Punong Barangay din
ang dumalo pati na si ‘your truly’ rin.

Para pag-usapan itong inihayag
ng SFELAPCO na biglang pagtataas
na planong isingil na ‘generation charge’
dagdag pasanin ng mga mahihirap.

At kalbaryo pati sa bawat pamilyang
hikahos na nga ‘yan sa pang-araw-araw
na pangangailan biglang ipapataw
itong ‘instant’ singil na ‘fifty percent’ daw?

Sabi nga ni Mayor Vi na kagaya niya
ay Php 100,000.00 ang bill nila,
sabihin man natin na mayaman siya,
ya’y mabigat-bigat din naman sa bulsa.

Aba’y di lalo na r’yan sa isang kahig,
isang tuka ang buhay na pinipilit
idaos, pasan na halos ang daigdig
kapag ang ‘electric bill’ nila’y sumirit.

Pero huwag pa muna tayo r’yang mangamba
na magawa yan ng SFELAPCO basta,
sapagkat ito ay may pagkaraanan pa
manding ‘public hearing’ bago maapruba.

Kung saan mahigpit ang pagdaraanan
ng SFELAPCO sa kinauukulang
‘government agency’ na siyang taga-takal
kung sobra sa dapat n’yan na kalalagyan.

Kaya gaano man itong pagnanais
ng SFELAPCO na siya’y makahirit
sa mga ‘consumers’ ng sobra o higit
sa dapat isingil di nito makamit.

Ya’y mabigat-bigat din naman talaga
lalo sa ‘jobless’ at walang pirming kita
sa araw-araw na pamumuhay nila,
itong SFELAPCO magka-puso sana.

Na malayong mangamatay riyan sa gutom
ang Kapitalista kahit sampung taon
itong di kumita ng milyons, ng bilyons
kahit babaan n’yan ang singil sa ngayon.

Di yan nalalayo sa napakaraming
pulitikong ang kita n’yan ay mil de mil,
pero nasaan ‘yan sa mga sandaling
ang kalamidad ay nandirito sa’tin?

Hayun, di makapa sa oras na dapat
sila’y makaniig at magbigay lingap
sa kaawa-awang mga mahihirapm
na ni makain ay walang mahapuhap.

Ganyan na kababa ang tingin sa masa
ng nakararaming sa hanay kumbaga
ng mga eksperto na sa pulitika,
bayad na nga kasi ang ating balota!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here