Home Headlines Tradisyon sa kapistahan ng Nazareno balik na

Tradisyon sa kapistahan ng Nazareno balik na

988
0
SHARE
Ang pagsasayaw sa Poong Nazareno ang isa sa kakaibang paraan ng pagdiriwang sa kapistahan nito sa bayan ng Hagonoy. Kuha ni Rommel Ramos

HAGONOY, Bulacan — Ipinuprusisyon, inilibot sa ilog, isinasayaw, nagpahalik at nagpahid ng panyo ang mga deboto ng Poong Nazareno sa Sitio Parong Parong, Barangay San Agustin dito bilang pagdiriwang ng kapistahan ngayong Enero 9. 

Ito ang tradisyon kapag sineselebra ang kapistahan ng Nazareno sa naturang lugar na dalawang taon na hindi nagawa dahil sa pandemya.

Ayon sa debotong si Edna Palad, natigil dahil sa pandemya ang taun-taon na pagdiwang ng kapistahan ng Nazareno at ngayon lang ulit ito naibalik.

Nakagisnan na sa naturang lugar ang ganoong istilo ng selebrasyon tuwing sasapit ang kapistahan bilang pasasalamat sa mga biyaya ng naturang patron sa mga deboto nito.

Lahat naman daw ng deboto ay mga bakunado na at nag-iingat pa rin sila sa hawahan ng Covid-19.

Kayat umaga ng Lunes, matapos ang misa ay pinuprusisyon sa kalsada at pagkatapos ay isinasakay sa bangka ang imahen ng Nazareno at ginawa ang pagoda.

Nagbabasaan din ng tubig mula sa ilog ang mga deboto na bendisyon kapag kapistahan.

Matapos maiahon sa ilog ay isinasayaw naman ang Nazareno sa harapan ng simbahan bago ibalik sa altar.

Pagdating naman sa altar, doon na sila magpupunas ng mga panyo at hahalik sa poon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here