Home Headlines ‘Motornapper’ patay sa engkwentro

‘Motornapper’ patay sa engkwentro

542
0
SHARE
Patay ang hinihinalang motornapper. Contributed photo.

SAN ISIDRO, Nueva Ecija – Isang lalaki na hinihinalang “motornapper” ang napatay matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Poblacion ng bayang ito pasado alas-5 ng umaga nitong Linggo.

Ayon kay Col. Richard Caballero, officer-in-charge ng Nueva Ecija Police Provimcial Office, sa halip na huminto nang parahin ng mga operatiba ng San Isidro police station at kasamang units sa hot pursuit operation ay nagpaputok ng .45 pistol ang suspek.

Dahil dito ay napilitan aniyang gumanti ng putok ang mga pulis at napuruhan ang suspek na daglian nitong ikinamatay.

Hindi pa inihahayag ang pangalan ng suspek.

Sa imbestigasyon, ang naturang lalaki at isang kasama nito ay sapilitang inagaw ang motorsiklo mula sa biktimang si Raymundo Lorenzo, 50, residente ng Rio Chico, Gen. Tinio, Nueva Ecija bandang alas-4 ng umaga sa Aviado St., Barangay Poblacion ng bayang ito.

Tinutukan ng baril ang biktima, ayon sa imbestigasyon.

Sa forensic investigation ay narekober ang motorsiklo na inagaw mula sa biktima, isang .45 pistol at mga bala.

“We will never get tired of chasing such kinds of criminals, and ever ready to defend ourselves,” pahayag ni Caballero. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here