Home Headlines May-ari ng sumabog na pagawaan ng paputok sinampahan ng kaso

May-ari ng sumabog na pagawaan ng paputok sinampahan ng kaso

641
0
SHARE
Ang mga kagawad ng Sta. Maria Police na nagsisiyasat sa ilegal na pagawaan ng paputok na sumabog kahapon. Kuha ni Rommel Ramos

STA. MARIA, Bulacan — Sinampahan na ng mga kasong paglabag sa Firecracker Law, Reckless Imprudence Resulting in Physical Injuries and Multiple Damage to Property ang may-ari ng isumabog na ilegal na pagawaan ng paputok sa Sitio Manggahan, Barangay Pulong Buhangin sa bayang ito.

Ang sinampahan ng kaso ay si Marissa Victoria, na naka-confine pa sa ngayon sa isang pagamutan dahil sa mga tinamong paso sa ibat-ibang bahagi ng katawan nang sumabog ang pabrika nito kahapon na ikinasugat ng pito pang katao.

Bagamat naisampa na ang kaso ay patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa lugar para tukuyin ang pinagmulan ng pagsabog.

Bukod dito ay inaalam na rin ng Sta. Maria police kung may iba pang pagawaan ng paputok sa naturang bayan na walang permit mula sa mga otoridad.

Ayon naman kay Sta. Maria Mayor Omeng Ramos, walang permit ang sumabog na pagawaan ng paputok sa kabila ng naging mahigpit nilang pagbabantay sa mga ilegal na gumagawa dito ng paputok.

Ayon naman kay Larry Dizon Victoria, kapatid ni Marissa, sa kasalukuyan ay maingat silang nagsasagawa ng paglilinis sa lugar dahil maari pang may mga sumabog na paputok dito.

Samantala, kasama sa pito na nasugatan na mga nasa pagamutan ay ang anak ng may-ari na si Monrenzo Victoria na nagtamo ng third-degree burn.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here