LUNGSOD NG CABANATUAN – Siyam na indibidwal na nahaharap sa iba’t ibang kaso sa hukuman ang inaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng mga operatiba ng Nueva Ecija Police Provincial Office nitong Oct. 4.
Kinilala ng pulisya ang dinakip na sina Marcelino Sadulang ng Barangay Bakal III, Talavera; Ruel Tagoy ng Poblacion, Rizal; Ferdinand Moreno ng San Antonio; Ricky
Valencio ng San Roque, San Leonardo; Edgar De Guzman ng San Isidro, Zaragoza; Jesrael Aguilar at Jamielyn Calma, kapwa residente ng Palasinan, Cabiao; Joselito Malgapo ng Bakal I, Talavera; at Jorri Timbal ng Cabaducan East, Nampicuan.
Ayon kay Col. Richard Caballero, officer-in-charge ng NEPPO, ang pag-aresto sa mga suspek ay isinagawa sa bisa ng warrants of arrest na inilabas ng iba’t ibang sangay ng hukuman alinsunod sa kanilang pinag-igting na kampaya laban sa
wanted persons.
Batay sa record, sina Sadulang, Tagoy, at Moreno ay pawang nahaharap sa dalawang kaso ng acts of lasciviousness sa magkakaibang korte; si Vicencio ay
carnapping; De Guzman, murder; sina Aguilar at Calma ay estafa; Malgapo, grave threat; at si Timbal ay serious physical injuries. Sinabi ni Caballero na ang mga naarestong suspek ay nasa ilalim ngayon ng kustodiya ng mga himpilan ng pulisya na nagpatupad ng warrants of arrest laban sa kanila.
“We will remain focused on our anti-criminality efforts, there will be no let-up for
this,” ani Caballero. Alinsunod aniya ito sa kautusan ni Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Cesar Pasiwen na pag-ibayuhin ang kaayusan at kapayapaan sa rehiyon.