Home Headlines 5 rescuers patay sa Bagyong Karding

5 rescuers patay sa Bagyong Karding

816
0
SHARE

SAN MIGUEL, Bulacan — Patay ang limang rescuers ng provincial disaster risk reduction and management office sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Karding kaninang alas-3 ng madaling araw.

Ang mga biktima ay nakilalang sina: Marby Bartolome ng Barangay Bulihan, Guiguinto; George Agustin ng Barangay Iba O Este, Calumpit; Justin Troy Agustin ng Barangay Sta. Rita, Guiguinto; Jerson Resurreccion ng Barangay Catmon, Sta. Maria; at isang nagngangalang Narciso Calayag.

Ayon kay Gov. Daniel Fernando, nagsasagawa ng rescue operation sa naturang bayan ang lima nang biglang lumaki ang tubig sa kalsada.

Nasira ang truck ng mga ito sa bahagi ng Barangay Camias kayat gumamit na ng bangka sa operasyon. Habang nagsasagwan ang mga ito, biglang gumuho ang isang pader at bumagsak sa kanila, sabay tangay ng malakas na agos ng tubig at hindi na nakita.

Pasado alas-6 na ng umaga nang ma-retrieve ang mga bangkay ng nasawi sa bahang palayan.

Naging emosyonal naman ang mga kaanak at ang mga kawani ng Kapitolyo nang makita ang mga bangkay sa punerarya.

Ani Fernando, nakaranas ng flashflood ang halos buong bayan ng San Miguel na nagmula sa kabundukan ang tubig.

Sasagutin naman daw ng gubernador ang lahat ng gastusin sa pagpapalibing sa mga biktima at magbibigay din ito ng personal cash aid.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here