Home Headlines ‘To Whom It May Concern’

‘To Whom It May Concern’

503
0
SHARE

Kung ang simpleng kaso na kagaya riyan
nang idinulog ko sa tanggapan ng DAR,
mahigit ’30 years’ na itong nakaraan
pero di pa ganap na nasolusyonan;

At ‘pending’ pa ito magpa-hanggang ngayon
‘Before the Office one Adjudicator
Whom I doubt possibly it’s for and in favor
Of defendant if he can thwart two decisions.

Ito ay kung wala ako ni marahil
na L.O., kagaya r’yan ng aking dating
‘Attorney-in- Fact’ bang si Peter? – sakitin
kung kaya malimit ‘absent’ yan sa ‘hearing’.

Na masasabi kong isa sa dahilan
kung bakit ang simpleng kaso na naturan,
umabot ng mahigit tatlong-pong taon ’yan
na ‘still pending’ at di nasolusyonan.

Sanhi na rin nitong ating masasabing
,mga ‘usad pagong’ na ‘officers’ natin
aa DARAB, na aywan kung tunay ngang ating
mapanaligan sa hawak na tungkulin.

Na magsilbing tapat at di gaya nitong
kung sila ay hindi sundutin sa ilong,
hindi babahing at kahit simpleng kasong
tulad nga akin di magawam ng aksyon?

Sana, ngayong ito ay naiparating
na ni ‘yours truly’ sa Central Office natin
sa Lungsod ng Quezon, partikular sa’ting
DARAB Secretariat, ya’y nabigyang pansin.

At maatasan ang marapat humusga
sa usaping dapat ay resolbado na
sa loob ng mahigit sa tatlong dekada
kung walang sa ‘back door’ ay nagmanipula.

Gaya ng hinalang ang ‘hearing officer’
na si Lester Cusi, bago yan nag-‘transfer’
sa ibang DAR office , sabi may ‘document
sa Records ang tila di na makapa rin.

But now that some papers related to this case
Seeking for its lawful and ultimate judgment,
Are ready and I am a buyer in good faith
Of foreclosed property what else should I expect?

Ito na, at siyang posibleng mangyari
sa ‘hearing’ namin sa petsa beinte syete
(27) ng ‘month of September, na baka ang huli
na naming ‘hearing’ kung ang hatol ay ‘ready’;

At tinitiyak kong di na magtatagal,
matatapos din ang wala sa katuwian
na paghahabol na akong ito ang siyang
naargabyado dahil sa kasuwapangan n’yan.

Na nagsangla sa bangko ng lupa’t bahay
at di nakabayad ng pagkaka-utang,
pagkatapos akong sa ‘auction sale,’ kabayan
nakabili itong palitawing suwapang?

Kumpleto ako ng mga dokumento
na ang ‘property’ ay nabili sa bangko
nitong dili’t-iba’y gustong lokohin n’yo?
Tapos nang sa akin ninyo pangloloko!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here