Home Headlines Labi ni Lydia De Vega naiuwi na sa Bulacan, public viewing inihahanda

Labi ni Lydia De Vega naiuwi na sa Bulacan, public viewing inihahanda

871
0
SHARE

LUNGSOD NG MEYCAUYAN — Naiuwi na ngayong Lunes sa lalawigan ng Bulacan
ang labi ng yumaong atleta na si Lydia de Vega-Mercado.

Dumating ang labi pasado alas-12 ng tanghali at ito ay sinalubong ng kanyang mga
kaanak, pamilya, at kaibigan.

Ito ay ibuburol ng dalawang araw sa St. Francis of Assisi Church sa Barangay
Poblacion at inihahanda na ng pamilya ang public viewing sa labi nito, ayong kay
Dave de Vega, kapatid ni Lydia. Ang libing ay sa Miyerkules alas-9 ng umaga sa
Pandayan Cemetery.

Ang atleta ay pang-apat sa anim na magkakapatid na ipinanganak at lumaki sa
Calvario, Meycauyan.

Si Maria Lydia de Vega-Mercado ay ang tinuturing na Asia’s fastest woman noong
dekada 80 at namatay dahil sa sakit na breast cancer nitong August 14.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here