Home Headlines P35.9-M makinarya, kagamitan ipinagkaloob ng DA sa Bulacan

P35.9-M makinarya, kagamitan ipinagkaloob ng DA sa Bulacan

583
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Humigit kumulang sa P35.9 milyong halaga ng mga
makinarya at kagamitan ang ipinamahagi ng Department of Agriculture sa
Bulacan.

May 300 magsasaka at mangingisda at 85 farmers’ cooperative association (FCA)
ang pinagkalooban ng iba’t ibang tulong ng kagawaran.

Sinabi ni Gov. Daniel Fernando na kabilang sa ipinamahagi ang 14 na shallow tube
well, apat na warehouse na may mobile mechanical dryer, tatlong four-
wheel drive tractor, tatlong rice combine harvester, at tatlong solar-powered
fertigation systems para sa 27 FCA.

Nakapagkaloob din ng 100 knapsack sprayers para sa 50 FCA at 180 kilograms
ng assorted vegetable seeds para sa apat na FCA.

Gayundin, nagpamahagi ng 170 rolls ng gillnets with accessories sa 170 na
mangingisda, 120 rolls ng multifilament PE net (black net) sa 120 mangingisda,
limang marine engine para sa limang mangingisda, limang fish vending equipment
(tri-bike) para sa limang mangingisda, tatlong smokehouse package para sa
tatlong FCA, at isang smokehouse para sa isang FCA.

Sinabi ni Fernando na malaking tulong ang mga makinarya at kagamitan para
sa adhikaing mapalakas ang sektor ng agrikultura sa lalawigan upang mapanatili
ang sapat na suplay para sa inaasam na seguridad sa pagkain.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here