Home Headlines Kuta, armas ng mga terorista natuklasan sa Zambales

Kuta, armas ng mga terorista natuklasan sa Zambales

713
0
SHARE

IBA, Zambales – Natunton sa isinagawang joint combat operations ng 3rd Mechanized Infantry Battalion at Zambales Provincial Police Office, kasama ang Regional Mobile Force Battalion-3 at ang provincial intelligence unit ang pinaniniwalaang kuta, armas at kagamitan na pagmamayari ng Komiteng Larangang Gerilya Tarlac-Zambales sa Barangay Palis, Botolan nitong June 26.

Natagpuan sa nasabing kuta ang isang Garand rifle, 28 bala, dalawang granada, dalawang bala ng 40mm, tatlong granada na buckshot, isang lumang upper receiver ng M16 rifle, mga pagkain, mga gamot, bandila ng Bagong Hukbong Bayan, mga personal na kagamitan at ibat’ ibang dokumento ng mga terorista.

Ayon kay Lt. Col. Jeszer M. Bautista, acting commanding officer ng 3MIB, unti-unti nang nauubos ang tinatagong kagamitan at lumiliit na ang lugar na ginagalawan ng KLG-TarZam.

“Hindi magtatagal ay atin na silang malilipol at matutunton dahil sunod-sunod na ang ating pagkakatuklas sa kanilang mga nakatagong kagamitan, lumiliit na ang lugar na kanilang ginagalawan at mismong ang kanilang mga kasamahan ang nagtuturo kung nasaan sila at ang kanilang nakatagong kagamitan”, ani Bautista.

Matatandaan na kamakailan lamang ay limang armas na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng mga miyembro ng KLG-TarZam ang natuklasan ng mga kasundaluhan ng 3MIB sa Sitio Tala, Barangay Burgos, San Jose, Tarlac sa tulong ng mga residente sa kalapit na pamayanan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here