SAMAL, Bataan – Patuloy ang hindi mapigilang pagtaas ng halaga ng gasolina at diesel na ngayong Martes ay umakyat na naman.
Ang presyo ng diesel sa Bataan ay nadagdagan ng P3.10 bawat litro habang ang gasolina ay tumaas ng P0.80 – P0.90. Ang kasalukuyang halaga ng diesel, halimbawa sa bayan ng Samal, ay P90.35 isang litro samantalang ang gasolina ay P84.60 – P86.15.
Katulad ng ilang beses na pagtaas ng produktong petrolyo, dumaraing lalo na ang mga tricycle driver dahil bumagsak ang kanilang kita sa pamamasada.
Ayon kay Danilo Mera, kumikita siya dati ng P400 – P500 sa isang araw ngunit ngayon ay hirap pa sa P200 – P300. “Kung minsan hindi na kami bumibiyahe o hanggang tanghali na lamang kaming namamasada dahil sa mahal ng gasolina,” sabi ni Mera.
“Sana mabigyan kami ng gobyerno ng subsidy, panggasolina man lang,” pakiusap
ng tricycle driver.