Masaya ko pong ibinabalita na almost accomplished po ang aking 10-point agenda sa first term ko bilang gobernador. Ang akin pong 10-point agenda ay nakafocus sa:
1. Reinventing the structures of the provincial government,
2. Expansion of health services amd facilities,
3. Expansion of educational assistance and academic programs;
4. Improvement of peace and order situation,
5. Generation of employment and welfare protection for the labor force,
6. Strengthening of the province’s disaster resilience, adaptive capacity, climate change mitigation efforts and environmental management system,
7. Boosting of agriculture and livestock sector,
8. Enhancement of social services for vulnerable and sectoral groups,
9. Enhancement of infrastructure and facilities,
10. Implementation of the Pampanga Megalopolis Plan.
Nagawa ko po ang mga ito dahil sa sama-samang pagkilos namin nila Vice Governor Nanay, buong Sangguniang Panlalawigan, Provincial Administrator Attorney Charlie Chua, Special Assistant to the Governor Angelina Blanco, mga department heads at mga kawani ng Capitol.
Sa akin pong second term ay bibigyan ko po ng sapat na pondo at serbisyo ang Agriculture at Health programs. Hangad ko po na may sapat tayong food supplies sa abot-kayang presyo, at bumuti ang kabuhayan ng mga food producers. Ang health system po natin ay dapat makatugon sa mga susunod na emergencies dulot ng mga bagong virus at sakit.
Hihigpitan po natin ang ating ugnayan at pakikipagtulungan sa business at labor sectors para sa mabilis na recovery ng ekonomiya sa pandemya gawa ng COVID-19.
Asahan po natin na may dagdag na devolved services ang mga national agencies dahil sa desisyon ng Korte Suprema sa Mandanas-Garcia cases na hindi lang internal revenue allotment ang tatanggapin ng mga local governments kundi share sa buong national income.
Palalakasin din po natin ang kakayahan ng mga tao na makabawi sa mga kalamidad. Patuloy tayong susuporta sa mga senior citizens, PWDs, solo parents, mga katutubo pati mga taga-coastal barangays. Ang atin pong ayuda sa pagkain ay ating palalawakin.
Si Vice Governor Nanay po ang pinili ko na mag-administer ng aking oath of office bilang public official. Naniniwala po kasi ako na nailatag ng aking ina ang pundasyon ng pamamahala na mas nagpapahalaga sa mga mahihirap. Si Nanay po ang sinusundan ko na ehemplo.
Baon ang inyong pagtitiwala sa aking liderato, nangangako po ako na mas ilalapit ko ang Capitol sa mga barangay.