Home Headlines TESDA grads sa Iba, sumailalim sa Supervised Industry Learning

TESDA grads sa Iba, sumailalim sa Supervised Industry Learning

724
0
SHARE

IBA, Zambales — May 17 nagtapos ng Organic Agriculture Production NC II sa Iba, Zambales ang sumailalim sa Supervised Industry Learning ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Sila ay mga benepisyaryo ng Training for Work Scholarship Program o TWSP.

May 17 na nagtapos sa kursong Organic Agriculture Production NC II ang sumailalim sa Supervised Industry Learning ng Technical Education and Skills Development Authority. (TESDA Zambales)

Ayon kay Provincial Training Center-Iba Administrator Eugene Peñaranda, ito ay isang scholarship program ng TESDA na naglalayong suportahan ang mabilis, inklusibo at patuloy na paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng mga kursong handog ng ahensya.

Ang SIL aniya ay isinasagawa upang masanay ang mga mag-aaral sa aktwal na lugar ng kanilang trabaho upang higit na malinang ang kanilang mga kakayahan.

Ang kanilang 40 oras na SIL ay isinagawa sa Delta Farm sa barangay Sta. Barbara sa bayan ng Iba.

Kabilang sa mga aktibidad na isinagawa ay ang introduction to farm practices using EM1 effective microorganisms, preparation of Fermented Plant Juice and liquid smoke, vermicast harvesting, potting mixed using vermicast, Carbonized Rice Hull at fine garden soil with Effective Microorganism Activated Solution.

Bukod pa rito ay nagkaroon din pagsasanay sa paglilipat ng binhi, pag-aalis ng damo, paghahanda at pagtatanim ng lupa, mga aktibidad pagkatapos ng ani, at paghahanda ng organic feed at pataba. (CLJD/RGP-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here