Ang pinakahuling pasyente ng BICC ng lumabas sa pagamutan bilang recovered patient ng Covid-19. Photo courtesy Dennis Cruz
LUNGSOD NG MALOLOS — Zero patient ng Covid-19 sa kasalukuyan ang Bulacan Infection Control Center (BICC) ng Bulacan Medical Center.
Ito ay kasunod ng paglabas kahapon ng 45-anyos na lalaki na huling pasyente ng Covid-19 at ginawa ng mga duktor, nurses at medical staff ng BICC ang congratulatory send-off para sa kanya bilang recovered patient.
Samantala, batay sa pinakahuling tala ng Bulacan Provincial Health Office ay naitala ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases sa 109, 487.
Ang 107,709 dito ang gumaling na at 1,696 ang bilang ng mga namatay dahil sa corona virus.