Ang mga operatiba sa ginawang controlled delivery operation na nauwi aa pagkakaaresto ng claimant ng 2.7-liter ng marijuana hash oil. Kuha ni Rommel Ramos
CLARK FREEPORT — Inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Luzon at PDEA-Clark Inter Agency Drug Interdiction Task Group ang lalaking claimant ng isang imported package na naglalaman ng 2.7-litro ng marijuana hash oil sa ikinasang controlled delivery operation kagabi.
Kinilala ng PDEA ang suspek na si Ernest John Almazan y Ferrer, 36, residente ng Ocampo St., Pio Del Pilar, Makati City.
Ayon kay Capt. Joseph Samson, investigator ng PDEA-3, ang
parcel ay nakadeklara bilang drinking tea mula sa Monterey Park, USA, at dumating sa Port of Clark nitong May 9.
Natuklasan ng Bureau of Customs-Port of Clark ang kontrabando nang dumaan ito sa x-ray at gamitan ng K9 sniffing at field examination kaya’t ikinasa ng mga otoridad ang controlled delivery operation sa Bonifacio Global City.
Hindi na nakapalag pa ang suspek nang dakpin ng mga otoridad nang i-claim ang package na 2.7 Liters ng marijuana hash oil na may estimated street value na P216,000.
Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek na nasa kustodiya na ngayon ng pulisya. Siya ay mahaharap sa violation of Section 4 o Importation of dangerous drugs sa ilalim ng Article II ng RA 9165.
Ayon sa PDEA, ang hash ay tinuturing na most potent at concentrated form ng cannabis na may high level ng tetra hydro cannabinoid.