Home Headlines Golden rice a Duterte legacy

Golden rice a Duterte legacy

836
0
SHARE

SCIENCE CITY OF MUÑOZ — Umaasa ngayon ang Department of Agriculture na mailalarga na ang komersiyalisasyon ng golden rice at ito ay magiging isang legasiya ni Pangulong Duterte bago siya bumaba sa Malacanang.

Ayon kay Sec. William Dar, positibo ang mga kaganapan ngayon para sa propagasyon ng kauna-unahang “engineered and nutrition rich” na golden rice matapos ang pormal na paglulunsaid nito sa Philippine Rice Research Institute (PhilRice) nitong ika-6 ng Mayo.

“Pilipinas is leading the way in terms of development, commercialization of golden rice. This is one legacy that we can say is important in ensuring food and nutrition in the country,” ani Dar.

Ayon naman kay, DA spokesperson Assistant Secretary Noel Reyes, nagpahayag na ng interes ang ilang mga bansa hinggil sa progreso ng programang ito ng Pilipinas.

“Kauna-unahan po sa buong mundo tayo sa golden rice. In fact, ‘yung ibang untries, ‘yung Bangladesh gusto nang manghiram sa atin,” paliwanag ni Reyes.

Ang PhilRice at Central Luzon State University na kapwa nasa lungsod agham na ito ang pangunahing kaakibat ng DA sa produksyon ng golden rice.

Nauna nang sinabi ni Dar na ang golden rice ang mag-aangat sa kapakanan ng mga Filipino.

Ayon sa kanya, isang breakthrough ang komersiyalisasyon ng naturang binhi lalo na sa mga lugar kung saan mataas ang kaso ng Vitamin A deficiency.

Batay sa ulat ng PhilRice ang produksiyon ng golden rice ay dumaan sa makabagong proseso ng biotechnology.

May mataas raw itong taglay na beta carotene at kung regular na kakainin ay makapagbibigay ng hindi bababa sa 30% ng pangangailangan sa Vitamin A.

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here