Home Opinion Kumusta na itongsa ‘survey’ kulelat?

Kumusta na itong
sa ‘survey’ kulelat?

769
0
SHARE

Ngayong ilang araw na lang halalan na
at ang nomiro ng mga nangunguna
sa ‘survey’ patuloy ang pag-arangkada,
kumusta na itong kulelat na sina:

Domagoso, Paquiao, Lacson at iba pa,
na ang kabuoang bilang labing isa;
at kung saan pawang may matataas na
pinag-aralan ang ilan sa kanila;

At kinikilalang mga mararangal
na tao sa ating ‘alta sosyedad’ diyan,
mga abogado na kagaya riyan
ni Montemayor na isang Kapampangan.

Pero nang dahil sa sila ay di lubhang
tanyag na kagaya nga nitong si Pacman,
lubhang maliit ang tsansa ng mga ‘yan
na maipanalo ang kanilang laban.

Ito pa nga kayang dating boksingero ,
na bagama’t  naging senador  na ito
ay maungusan niya itong si Robredo,
lalo si BBM sa pagka-Pangulo?

Walang masama sa tayo ay mangarap
ng gising – pero yan ay ilagay dapat
sa lugar ika nga ng isang katulad
nito na ang dunong niya’y di pa sapat!

At mahigit halos sa sisenta porsyento
ang ‘over’ ni Bongbong kay Leni Robredo,
at kung saan sina Paquiao, Domagoso
at ibang ang target ay pagka-Pangulo,

Pagkat pagsamahin man ang boto nila,
di mahigitan ang nomiro kumbaga
ni BBM at ng kina Inday Sara
at ibang ating pang-‘vice presidential’ pa.

Lalo’t suma total, sa puntong nasabi
ay tiyakang itong ‘Uniteam’ na bale
sa oras na ito ang ‘the most possibly’
na makamit ang n’yan ang tamis na ‘victory’.

At itong ‘ranking’ sa ‘survey’ ng mga ‘yan
ay halos hindi riyan maungusan
ng alin mga kampo ng mga kalaban
nina BBM at INDAY SARA nga riyan.

At kahit marahil magkaisa itong
sina Leni, Isko, Paquiao at si Lacson,
di nila makayang talunin si Bongbong
sa pagka-Pangulo, partikular ngayon.

Kaya kung ayaw n’yan na mamulubi lang
mas makabubuting umatras sa laban
upang di mabaon sa pagkakautang
ng utang na loob at salaping hiram

Yan kung sakaling di sariling salapi
ang sa pulitika sinusunog lagi,
ngayong batid n’yan na sa ganitong uri
ng laro bihira ang naging bayani.

Kundi kapintasan sa habang panahon
ang napapala ng sa ganyan nalulong,
kaya kung sa ganyan ayaw n’yong humantong,
iwasan ang basta riyan ay humabol;

(Lalo’t ‘financially’ di tayo ‘stable’
at limitado rin pati ating ‘Ninong’)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here