Home Headlines Bodega ng unregistered Chinese products sinalakay ng NBI, FDA

Bodega ng unregistered Chinese products sinalakay ng NBI, FDA

884
0
SHARE

Ang ilan sa mga unregistered product na nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng NBI at FDA sa sinalakay na bodega. Kuha ni Rommel Ramos


 

BUSTOS, Bulacan — Sinalakay ng National Bureau of Investigation-Region 3 at Food and Drug Administration North Luzon Cluster ang isang bodega sa Barangay Catacte na naglalaman ng mga unregistered Chinese products.

Tinatayang umaabot sa P40 million ang halaga ng mga nakumpiskang unregistered slimming coffee products, skin lotion, anti-fungal products, meat products, food supplements, sex enhancer, at mga equipment.

Ang mga produktong ito ay hindi nakarehistro sa FDA habang bineberipika na rin ng mga otoridad sa mga registered manufacturers kung counterfeit ang iba sa mga ito.

Ayon kay NBI-3 senior agent Don Syrel Bati, nakatanggap sila ng impormasyon sa operasyon ng naturang bodega na nakarehistro sa Jin Wan Tu Processing Meat na pag-aari ng isang Chinese national na si Jerry Go.

Ani Bati, pawang mga Chinese nationals din ang mga bumibili ng naturang produkto ngunit inaalam na rin nila kung nagsi-circulate ang mga ito sa merkado.

Lumalabas din sa imbestigasyon na bagsak din sa hygiene standard ang nasabing bodega dahil sa dumi ng meat processing area nito.

Tumanggi si Go na magbigay ng pahayag na ngayon ay hawak pa ng mga otoridad habang patuloy pa ang pag-iimbentaryo ng NBI at FDA sa sinalakay na bodega.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here