Si Department of Trade and Industry Bulacan Provincial Director Edna Dizon (DTI)
LUNGSOD NG MALOLOS — Inilunsad ng Department of Trade and Industry o DTI Bulacan ang YEP AKO! o Youth Entrepreneurship Program Alalay sa Kabuhayan at Oportunidad.
Ang programa ay naglalayon makuha ang kooperasyon at suporta ng mga youth organizations sa lalawigan na mai-promote ang entrepreneurship at palakasin ang kakayahan ng mga kabataan sa paglikha ng iba’t ibang pamamaran sa pagnenegosyo at isratehiya sa pagmemerkado kasama ang paggamit ng digital platforms.
Ayon kay DTI Provincial Director Edna Dizon, may mga interventions na ibibigay sa mga kabataang benepisaryo ng nasabing programa base sa pangkasalukuyan lebel – exisiting o aspiring youth entrepreneurs na may edad 18 hanggang 30.
Sa una o Youth Start, isasagawa ang mga mind-setting seminars, investment forum at basic services sa pamamagitan ng business registration assistance, business opportunities seminars at entrepreneurship skills training.
Para naman sa Youth Net, nakapaloob rito ang mentoring, pag-establish ng mga youth org. o pagsali sa mga entrepreneurship associations at sa Youth Match.
Dito ay tuturuan ang mga young entrpreneurs na makilahok sa iba’ibang market promotion activities tulad ng trade fairs at access sa pagkalap ng puhunan at mga kagamitan upang mapataas ang kanilang produksyon. (CLJD/VFC-PIA 3)