Home Headlines Paalala: Anumang anyong pasabog, i-report sa pulis kaagad

Paalala: Anumang anyong pasabog, i-report sa pulis kaagad

653
0
SHARE

Sinusuyod ng K9 units ang assembly area para sa Unity Walk ng mga aspirante sa iba’t ibang posisyon sa Nueva Ecija kamakailan. Kuha ni Armand Galang


 

LUNGSOD NG CABANATUAN — Pinayuhan ng otoridad ang publiko na maging maingat at kaagad i-report sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya sakaling may makita sila na anyong pasabog.

“Kung mayroon po kayong makita na kakaiba ipagbigay-alam lang kaagad sa police station,” ani Senior Master Sergeant Julius Lalosin ng provincial explosive and canine unit (PECU) mg Nueva Ecija police.

Sa ganitong paraan aniya ay maiiwasan na may masaktan mula sa insidente ng pagsabog.

“Kami na po ng magre-recover sa mga nakita niyo po,” dagdag ni Lalosin.

Ang paalala ay ginawa matapos ang magkakasunod na pagkatagpo ng mga lumang pasabog sa iba’t ibang lugar ng lalawigan nitong Pebrero 2022.

Kabilang dito ang dalawang granada at mga bala ng rifle grenade at 40MM sa Cuyapo, at iba pang uri ng pasabog na kinailangan nang paputukin sa bayan ng Quezon at sa San Jose City.

Ang Nueva Ecija PECU sa pamumuno ni Lt. Ferdinand Galang ay nagmamantine ng K9 units para sa deteksyon ng explosive at iligal na droga, ayon kay Corporal John Michael dela Cruz, isang K9 handler.

Magkahiwalay aniya ang training para sa pasabog at droga dahil mapanganib kung akalain na droga ang inupuan ng K9 subalit isa palang uri ng explosive.

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here