DI KAYA sumagi man lang sa kokote
ni Paquiao at iba pa r’yang aspirante
sa pagka-Pangulo, itong imposible
na masungkit kahit ang pangtatlo bale?
Kung saan si Marcos ang siyang posibleng
manguna, kasunod malamang ay si Ping.
Moreno, pang-tatlo; Leni ang maaring
magpang-apat; Paquiao, pang-lima/ pang-anim
.
Hirap masungkit ni Pacquiao ang kahit na
ang pang-apat man lang, lalo ang tercera
sanhi ng si Manny di lingid sa Masa,
na siya’y pang-‘boxing’ nga lamang talaga.
Dr. Montemayor, (bagama’t mahusay
at abogado siya ay mahihirapang
masungkit nito r’yan ang pampanguluhan
sa dahilang di pa siya kasikatan)
Abella, De Guzman, Gonzales, Arcega
Mangondato, walang kapaga-pagasa
na maungusan ang sinuman r’yan kina
Robredo at Paquiao, o itong sino pa.
Manapa, habang may panahon pa upang
umatras, gawin na r’yan nitong sinuman
na nangungulelat sa ‘survey’ ng bayan
nang di maubos ang tangan nilang yaman.
Partikular na r’yan ng ating idolo
na si Paquiao, na ang sinusugal nito
sa ‘dirty politics’ ay di nakaw ito
kundi sa parehas na laban natamo.
At kung saan ito’y sa pamamaraang
basagan ng mukha at ng ikarangal
nga ni Manny, at ng ating Inangbayan,
ipagpapalit sa walang katiyakan?
At di barya lang ang kanyang iuuwi
kundi ng tumata-ginting na salapi!
At pagkatapos ay sa bagay na hindi
maasahan – itaya ang pag-aari?
Malaki ang pagka-kaiba ng boksing
at ng sa ‘politics’ ay pagka-humaling.
Una kahit man lang sa kanyang sariling
panukat, ito ay di simpleng gampanin.
Sa laban niya ngayon, kung saan ang target
nga ni Manny Paquiao ay pagka-president,
hindi kamao ang diyan ginagamit
kundi ng talino at husay sa inglis.
Di gaya ng alam niyang ‘English carabao’
at pananagalog din namang bantilaw
ang sa Palasyo ay pang-‘greet’ araw-araw
sa mga bisitang ‘foreigners’ ni Paquiao.
Hindi komo naging senador na siya
maari na n’yang gampanan ang para
sa pangulo, na ang talino kumbaga
ay ‘superb’ at hindi tulad lang kanya.
(Manapa, hangga’t may panahon pa para
siya umatras ay gawin na karaka
ni senador Manny nang di magsisi siya
sa isinusugal – nito sa ‘day dreams’ niya ?!