Home Opinion ‘Talk of the Town: Premature disclosure of verdict penned by Guanzon’

‘Talk of the Town: Premature disclosure of verdict penned by Guanzon’

893
0
SHARE

Kung anong posibleng kahantungan nitong
paghahayag agad ‘in public’ ni Guanzon
ng nagliliyab niya na naging desisyon
laban sa ‘idol’ ng masa na si Bongbong,
hinggil sa ‘DQ case’ ng ating senador,
yan kay ‘commissioner’ problema sa ngayon.

Pagkat ang ‘premature’ na pagsisiwalat
ng hatol base sa ‘ting Saligang Batas,
nang di pa pinal ang opinion ng lahat
ng mga hurado,  lalo ng sumulat
ng ‘judgment,’ malamang ikapapahamak
pati ng kanyang ‘dues’ sa ginawa’t sukat.

Diyan masusubok ang sobra niyang tapang
at pagiging asa mo ay kung sino siyang
anak ni Pilato na kuntodo yabang
kung singalan pati ‘co-commissioner’ niyan,
lalo ang ponente, sa pag-aakalang ,
baka ang proseso ay pinababagal?

Ang tanong, eh bakit sobrang atat siya
sa pagsisiwalat agad ng hatol niya
‘in public’ gayong ang ponente ay di pa
nga tapos isulat ang kabuoan ba
ng ‘verdict,’ kung saan nga ay ‘premature’ na
pinalabas nito ang para sa kanya.

Na siyang sa ngayon itong ‘talk of the town’
kung siya ba’y nalagyan nitong ‘anti Bongbong’
o sadyang sa Marcos family ay mayr’ong
tagong hinanakit o galit si Guanzon
kaya anhin na lang ni Mam, itong Bongbong
ay sa kangkungan nga niya maipatapon?

Gayong ang masaklap namang kapalit n’yan
posibleng ‘disbarment’ at pagkawala riyan
ng ‘retirement dues’ niya at iba pang bagay,
kasama ang pension, kung mapatunayang
ang ‘early disclosure’ ng hatol ni Madam
ay labag sa ‘norms of justice’ na kailangan..

Pagkat sabihin man nating itong Bongbong
diskualipikado nga para humabol,
pero sanhi riyam ng pagiging ‘premature’
disclosure’ ni Madam ng kanyang desisyon,
maipagkakamaling sumunod lang itong
ibang ‘commissioner’ sa gusto ni Guanzon.

Naimpluwensyahan sa madaling sabi
ang buong komisyon at hindi sarili
lamang ni Guanzon ang nakataya pati;
kaya di malayong posibleng mangyari
ang pagbabatuhan ng matinding sisi
ng magkakasama, lalo ng ponente.

Iyan nang dahil lang sa pagiging  atat
ni Rowena Guanzon sa pagpapalabas
ng kanyang desisyon, na kung saan lahat
na mga kasamang ‘jury’ ay lalabas
na posibleng sila ay baka nahatak
lang ng kung sino r’yang pinakamalakas.

Gayong itong Guanzon lang ang may pakana
ng lahat kung kaya di man nasalaula
ang posibleng ‘verdict’ kung ‘disqualified’ nga
o hindi si Bongbong, ano sa akala
natin ang posibleng komento ng madla,
kundi ng kung sino ang mali at tama?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here