Home Headlines P3.2-M halaga ng marijuana, shabu nasamsam sa anti-drug ops 

P3.2-M halaga ng marijuana, shabu nasamsam sa anti-drug ops 

1254
0
SHARE

Ang nasamsam na mga hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa Lungsod ng Malolos na nagkakahalaga ng P2.8 million. Kuha ni Rommel Ramos


 

LUNGSOD NG MALOLOS— Nasamsam ng mga otoridad sa dalawang magkasunod na anti-illegal drug operation ang P3.2-million halaga ng ilegal na droga mula sa pitong suspek nitong weekend.

Unang nasamsam ng mga otoridad sa isang buy-bust operation ang P2.8-million halaga ng marijuana mula sa dalawang drug suspect.

Kinilala ang mga naaresto na sina Archie Sabado, 32, ng Bongabon, Nueva Ecija kasama ang isang 17-anyos na lalake na residente naman ng San Andres, Cainta, Rizal.

Ayon sa Malolos City police, ikinasa ang operasyon ng kanilang drug enforcement unit laban sa mga suspek sa Barangay Panasahan nitong Sabado.

Nabilhan ng police poseur-buyer ng isang large brick na pinaghihinalaang pinatuyong dahon ng marijuana ang mga suspek kaya inaresto.

Nakumpiska sa operasyon ang 20 bricks na pinaghihinalaang marijuana na may Dangerous Dangerous Drug Board value na P2,800,000, cellphones at buy-bust money.

Ayon pa sa pulisya, maituturing na malaking supplier ng marijuana ang dalawa sa lugar at inaalam nila kung saan kumukuha ang mga ito ng supply.

Samantala, arestado naman ng San Jose Del Monte City Police nito ding Sabado ng hapon sa isang drug den sa Barangay Minuyan Proper ang limang high value targets na sina Arturo Trinos, 49, Norilyn Mariano, 43, Annalyn Dupra at Sanny Bernardo, kapwa 46-anyos, pawang mga residente sa naturang lugar, at isa pang 17-anyos ba babae.

Nakumpiska sa nasabing drug den ang 12 heat-sealed transparent plastic sachets na pinaghihinalaang shabu na tumimbang ng 50 grams na may estimated value na P400,000 at drug paraphernalia.

Tumangging magpahayag ang mga naarestong suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act habang ang dalawang menor de edad naman ay isasailalim sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here