Home Headlines General hospital itatayo sa bayan ng Subic

General hospital itatayo sa bayan ng Subic

1052
0
SHARE

Kasama sa groundbreaking ceremony sina Gov. Jun Ebdane, Vice Gov. Jay Khonghun, Mayor Jon Khonghun, ASEC, Maria Francia M. Laxamana director Corazon Flores at Willy Tan, presidente ng Fiesta Communities, na nag-donate sa hospital site. Kuha ni Johnny R. Reblando


 

SUBIC, Zambales — Natupad na rin ang pangarap ng mga Subikenyo na magkaroon ng sariling hospital matapos isagawa ang groundbreaking ceremony Miyerkules ng umaga, sa Barangay Asinan Proper dito.

Pinangasiwaan ang seremonyas nina Subic Mayor Jonathan “Jon” Khonghun, mga opisyal ng Department of Health at Gov. Hermogenes Ebdane, Jr.

Ang hospital ay itatayo sa may kalahating ektaryang lupain na “absolute donation” mula kay Willy Tan, presidente ng Fiesta Communities Inc.

Sinabi ni Khonghun na ang hospital ay may pondong P100 milyon na pinagtulong-tulungan ng LGUs ng pamahalaang Zambales para sa konstruksyon.

Ayon pa sa mayor ang dalawang palapag na hospital ay may 100 bed capacity at matatapos ito sa loob ng tatlong taon. Ang hospital ay dinisenyo ni Architect Shiena Baltazar.

Dagdag pa ni Khonghun malaking pakinabang sa mamayan ng Subic ang hospital sa halip na kapag emergency ay kung saan pa ang mga ito dinadala.

Ayon naman kay Zambales Vice Gov. Jay Khonghun madaling magtayo ng gusali gaya ng hospital pero ang pinakamahirap nito ang mag-maintain, “kaya ito itatayo ay nakikita na ni Mayor Jon na kaya na itong i-maintain kung kaya sinimulan na ito hindi lang para sa mamamayan ng Subic kundi kasama ng mga karatig bayan.”

Dagdag pa niya na ang idea ng pagpapatayo ng hospital ay nagmula sa kanyang ama at ipinasa sa mga anak at pinagtulong-tulungan para ito maisakatuparan.

Dugtong pa ng bise gobernador na kung ilang nurses, doctors at iba pang empleyado ay masusi pa itong pinaguusapan sa DOH.

Todo-suporta naman sina DOH-Asst. Secretary Maria Francia M. Laxamana at DOH-3 director Corazon Flores sa proyekto at tutulong sila sa pagsasaayos sa mga dokumentong kakailanganin sa pagtatayo ng hospital.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here