Home Headlines DTI, namahagi ng tulong sa mga kababayang sinalanta ng bagyong Odette  

DTI, namahagi ng tulong sa mga kababayang sinalanta ng bagyong Odette  

540
0
SHARE

Agarang nag-abot ng tulong ang Department of Trade and Industry (DTI), sa pamamagitan ng programang Livelihood Seeding Program-Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP-NSB), para masuportahan sa pagbangon ang mga maliliit na negosyanteng nawalan ng pangkabuhayan dahil sa pinsala na dala ng bagyong Odette. Alinsunod sa bilin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, isinakatuparan ni Trade Secretary Ramon Lopez bago matapos ang Tapon ang pagbibigay ng kabuhayan package o livelihood kits sa 1,036 na indibidwal na nagkakahalaga ng P8,000 kada benepisyaryo.

Ito ay ipinamahagi sa mga micro, small, and medium enterprise o MSME beneficiaries na naapektuhan ng bagyong Odette sa lalawigan tulad ng Region 6 sa Guimaras (25), Ilo-Ilo (15), Negros Occidental (70), Region 7 sa Bohol (150), Cebu (150), Negros Oriental (90), Region 8 (168), at CARAGA Surigao del Norte (304), Dinagat Islands (64). Kasama ni Sec. Lopez sa pamamahagi sina DTI Regional Operations Group (ROG) Undersecretary Blesila Lantayona, Assistant Secretary Dominic Tolentino, Assistant Secretary Aster Caberte at mga regional at provincial directors ng mga naturang lugar.

Simula noong 2019 hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang pamamahagi ng DTI ng kabuhayan package sa mga maliliit na negosyo sa buong Pilipinas. Umabot na sa 969,216 MSMEs ang nabigyan ng kaukulang impormasyon sa iba’t-ibang opportunidad sa pagnenegosyo at 58,217 livelihood kits ang naipamahagi.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, “Ang livelihood kits na ito ay maliit na tulong lamang mula sa DTI para makapagsimula ng mga negosyo ang ating mga kababayan, lalo na ang mga nasalanta ng bagyo. Layon namin na matulungan silang muling makabangon at mabigyan ang kanilang mga pamilya ng mas maginhawang buhay.”

Dagdag pa niya sa kaniyang mensahe para sa mga benepisyaryo, “Hiling po namin ay patuloy ninyong palakihin at palaguin ang mga ito para mabigyan pa ng mas maraming trabaho at oportunidad na umunlad ang ating mga kapwa Pilipino.”

Ayon naman kay Usec. Lantayona, “Sinisiguro ng DTI na nakakarating ang tulong sa mga benepisyaryo lalo na sa mga nasa malalayo at liblib na lugar na naapektuhan ng kalamidad. Isa-isa pong pino-profile ang beneficiaries upang siguraduhin na sa mga maliliit na negosyante mapunta ang ayudang puhunan.”

Noong Disyembre nakaraang taon, namigay ng dagdag kabuhayan ang DTI sa lungsod ng Valenzuela (193), Navotas (196), Mandaluyong (200), at Taguig (184) na may kabuuang 773 beneficiaries na may kasamang Alaskakabuhayan Package na nagmula sa Alaska Milk Corporation.

“Ang Pamahalaan at lingkod bayan ay nandirito lamang para ang Livelihood Seeding Program – Negosyo Serbisyo sa Barangay ay maisakatuparan. Puso, determinasyon, at kaisipang matatag ang kinakailangan,” dagdag ni Asec. Tolentino.

Ayon kay Sec. Lopez, “Ang DTI LSP-NSB ay patuloy na tutulong, hihikayat, at mamahagi ng karagdagang impormasyon upang mapalawak ang negosyo ng mga MSMEs sa buong Pilipinas. Dahil dito, tayo ay makakaasa na mas marami pang matutulungan ang DTI sa darating na panahon.”

Layon ng DTI na patatagin pa ang LSP-NSB upang mas maraming benepisyaryo ang makinabang sa naturang programa.

Ngayong 2022, kasado na rin ng DTI ang pamamahagi ng karagdagang livelihood kits sa mas marami pang maliliit na negosyante sa ibang lugar na nasalanta rin ng bagyong Odette.

Para sa karagdagang impormasyon at detalye, maaaring magtungo sa pinakamalapit na DTI office o Negosyo Center sa inyong lugar o bisitahin ang DTI official website sa www.dti.gov.ph.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here