Home Headlines Aktibong kaso ng Covid-19 sa Bataan lampas 1K na

Aktibong kaso ng Covid-19 sa Bataan lampas 1K na

940
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Nagpapatuloy ang pagtaas ng mga aktibong kaso ng coronavirus disease sa Bataan na nitong Lunes ang kabuuang bilang ay umabot na sa 1,099.

Noong ika-28 ng Disyembre ng nakaraang taon ay bumagsak ang bilang nito sa 20 na lamang ngunit kinabukasan araw-araw na itong tumaas.

Iniulat ni Gov. Albert Garcia ngayong Martes na nangunguna ang Balanga City sa talaan ng mga may aktibong kaso sa pagkakaroon ng 258, na sinundan ng Limay – 165, Mariveles – 144, Dinalupihan – 132, Orani – 102, Samal – 88, Orion – 49, Abucay – 47, Pilar – 41, Hermosa – 35, Morong – 24, at Bagac – 15.

Sa huling ulat ng provincial health office, 30,646 na ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa Covid–19 sa lalawigan matapos magtala ng 183 na mga bagong kumpirmadong kaso na mula sa Limay (48), Balanga City (32), Orani (22), Dinalupihan (16), Orion (15), Mariveles (13), Hermosa (9), Abucay (9), Samal (8), Pilar (8), at Bagac (3).

Ang mga nakarekober ay tumaas sa 28,327 nang magkaroon ng 10 bagong gumaling na walo ang mula sa Pilar at tig-isa sa Hermosa at Orion.

Sinamang-palad naman ang tatlong bagong pumanaw: (81-anyos na babae sa Dinalupihan, 50-anyos na babae sa Limay, at 41-anyos na lalaki sa Samal) na nagpaakyat sa kabuuang bilang ng mga namatay sa mapanganib na virus sa 1,220.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here