Home Opinion ‘No mandatory vaccination is required per RA 11525’

‘No mandatory vaccination is required per RA 11525’

881
0
SHARE

KUNG base sa RA 11525
hindi sapilitan itong iniatas
ng DOH, na bakunado lang dapat
ang anila’y payagang makalabas.

Eh, di kung ganpon  tuwirang paglabag
sa konstitusyon o panuntunang batas
itong sa ngayon ay ipinatutupad
ng ating DOH Sec di pala dapat?

‘Year 2020’ pa, pinagkaisahan
na nina senators Lapid, Win Gatchalian,
Bato dela Rosa, Grace Poe, Nancy Binay
at iba pa’y kwenta katorse lahat yan.

Na ‘unanimously’ ibaba si Kiko
bilang ‘health sec’ pero, hayan “Kapit Tuko”
pa rin sa puesto niya ang lubhang maluho
na DOH Sec nga na ayaw sumuko.

Sa kadahilanan na maituturing
na matinding sampal sa mukha ang gawing
paglisan sa puesto, iginiit pa rin
ni Duque ang siya’y di kusang magbitiw.

At nang dahil na rin sa posibleng millions
of pesos’ ang tiyak kinikita ngayon
ni Kiko sa ‘face mask’ at ‘face shield’ paanong
ang malaking  kita kanyang itatapon?

Wala bang may bayag na nasa gobyerno
maliban sa ating butihing Pangulo,
na siyang kay Duque dapat kumastigo
para maitama r’yan ang hindi wasto?

Itong labing apat nating Senadores
na nag-‘Yes’ lahat sa dapat mapatalsik
si Franciso Duque diyan sa DOH,
anong naging sahni hindi iginiit?

Anong kabuluhan r’yan ng isang batas
na gaya ng RA 11525;
kung kahit di ‘mandatory’ ang pagtupad
sa pagbakuna ay pilit iniatas,

Ng ating DOH ang kinakailangang
mabatid ng lahat na di sapilitan,
pero patuloy pang binabakunahan
ang lahat pati matanda’t kabataan!

Hindi ba’t marapat lang na ipabatid
ng pamahalaan sa ‘general public’
ang anumang bagay na hindi maituwid,
upang mailayo tayo sa panganib?

Tulad ng ‘vaccine card’ ya’y di tinuturing
na ‘mandatory requirement’ sa nasabing
kautusan ng ‘Department of Health’ natin
na ipagpatuloy ang dapat itigil.

Na kahit may batas na  di sapilitan
ang magpabakuna, bakit ilalagay
namin ang sariling katawan at buhay
sa mas peligrosong puedeng kahantungan?

Ang ‘no bakuna, no ayuda policy’
di nararapat na gawing ‘mandatory’
dahilan na rin sa ya’y paglabag pati
sa ating ‘human rights’sa madaling sabi.

Kaya kung ganitong ang presidente na
itong kumbaga ay hindi na makaya
ang patuloy na pag-sipa ng problema,
ang tanong: may magagawa pa ba siya?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here