Home Headlines Marami pang nagpapabakuna sa ika-3 araw ng nat’l vax drive 

Marami pang nagpapabakuna sa ika-3 araw ng nat’l vax drive 

749
0
SHARE

Mga naghihintay na mabakunahan. Kuha ni Ernie Esconde


 

LUNGSOD NG BALANGA — Marami pa ring nagpapabakuna sa Bataan sa pangatlong araw ng national vaccination drive ng Department of Health na tinaguriang Bayanihan, Bakunahan.

Sa inoculation sites sa Lou-is Resort at Capitol Square Mall sa Balanga City, hapon na ay marami pa ring naghihintay na mabakunahan.

May nagpapabakuna ng first dose, second dose o booster shot na may kapalit namang limang kilong bigas sa mga tatanggap ng bakuna sa loob ng tatlong araw na nagsimula noong ika-29 ng Nobyembre.

“Kasi po kapapanganak ko lang. Hinintay ko three months dahil nagbe-breast feed din kasi ako,” sagot ni Badeth Zabala sa tanong kung bakit ngayon lamang siya babakunahan ng first jab.

“Kailangan kasi sa trabaho namin na nag-aayos kami ng mga kasalan kaya napilitan na din akong magpa-vaccine,” sabi naman ni Justine Enriquez na first dose din ang tatanggaping bakuna.

Batay sa datos ng provincial health office, umabot sa 43,394 ang bilang ng mga nabakunahan ng first dose, second dose, at booster shot sa loob ng tatlong araw sa buong lalawigan.

“Malugod kong ipinababatid sa inyo na ang ating lalawigan ang nangunguna sa buong Central Luzon sa may pinakamataas na bilang ng nababakunahan mula noong Lunes hanggang Miyerkules,” pahayag ni Gov. Albert Garcia.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here