Home Headlines Limang SSF ng DTI Bulacan isinalin na ang pag-aari sa mga cooperators 

Limang SSF ng DTI Bulacan isinalin na ang pag-aari sa mga cooperators 

624
0
SHARE

Limang shared service facilities ng Department of Trade and Industry-Bulacan ang pormal nang isinalin ang pag-aari sa mga cooperators. Kabilang na riyan ang Bulacan Dairy Multi-Purpose Cooperative mula Caybitoc sa bayan Sta. Maria para sa 1.158 milyong pisong dairy production machinery. (DTI Bulacan)


 

LUNGSOD NG MALOLOS — Limang shared service facilities o SSF ng Department of Trade and Industry o DTI Bulacan ang pormal nang isinalin ang pag-aari sa mga cooperators.

Kabilang na riyan ang Bulacan Dairy Multi-Purpose Cooperative mula Caybitoc sa bayan Sta. Maria para sa 1.158 milyong pisong dairy production machinery; Palanas Multi-Purpose Cooperative mula Sapang Putik, San Ildefonso para sa SSF sa delicacies making na nagkakahalaga ng 370,500 piso; at Ma-Igting na Samahan ng mga Panlipunang Negosyante ng Towerville Inc. mula sa Minuyan Proper sa lungsod ng San Jose del Monte para sa SSF sa bag making na nagkakahalaga ng 590,650 piso.

Naipagkaloob na din sa Kabalingay Bulacan 3rd District Federation Inc ng Galas-Maasim sa bayan ng San Rafael ang SSF sa gifts decors and housewares making na nagkakahalaga ng 349,050 piso at Provincial Government ng Bulacan-Bulacan Packaging Services and Toll Packing Center para sa SSF sa packaging equipment na nagkakahalaga ng 977,840 piso.

Ayon kay DTI Provincial Director Edna David, ang SSF ay isang flagship program ng kanilang ahensya na naglalayon na itaas ang productivity, kita, efficiency, at access sa new technology ng mga micro, small and medium enterprises o MSMEs sa pamamagitan ng mga kagamitan, makinarya at bagong kaalaman sa ilalim ng shared system.

Sa datos ng DTI Bulacan, umabot na sa 32 ang SSF na kanilang naibigay sa mga cooperators na may kabuuang halaga na 19.821 milyong piso.

Humigit kumulang 338 MSMEs na ang naging benepisyaryo ng mga MSMEs na nagbigay daan upang makalikha ng nasa 701 trabaho at kitang umabot sa 6.1 milyong piso nitong ikatlong bahagi ng taon. (CLJD/VFC-PIA 3)

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here