Home Headlines BFAR, mamamahagi ng mga commercial boat sa mga mangingisda sa Masinloc

BFAR, mamamahagi ng mga commercial boat sa mga mangingisda sa Masinloc

1010
0
SHARE

MASINLOC, Zambales — Nakatakdang mamahagi ng mga small-scale commercial boats ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa mga mangingisda ng Masinloc, Zambales.

May sampung yunit ng 38 footer na Fiberglass Reinforced Plastic o FRP na may 4DR5 na makinang kumpleto sa pyesa ang nakatakdang ipamahagi sa mga namamalakaya sa West Philippine Sea.

May sampung small scale commercial boats ang nakatakdang ipamahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa mga namamalakaya sa West Philippine Sea sa bayan ng Masinloc sa Zambales. (BFAR)

Ayon kay  BFAR Regional Director Wilfredo Cruz, ang mga naturang bangka ay maaring pumalaot ng hanggang mahigit 15 kilometro.

Bukod pa rito, bawat yunit ay may kalakip na anim na de makinang pakura o 16-footer na FRP catcher boat upang maging mas malawak at epektibo ang panghuhuli ng isda.

Anim hanggang walong mangingisda naman ang maaring makinabang sa bawat set ng commercial boat.

Samantala, pinag-aaralan ng BFAR ang posibilidad na mabiyayaan rin ng ganitong disenyo ng mga bangka ang mga namamalakaya sa Dagat Pasipiko sa probinsya ng Aurora. (CLJD/RGP-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here