Home Headlines Makiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Bata – Gob. Fernando

Makiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Bata – Gob. Fernando

846
0
SHARE

Si Bulacan Governor Daniel Fernando (Bulacan PPAO File photo)


 

LUNGSOD NG MALOLOS — Hinikayat ng pamahalaang panlalawigan ang mga Bulakenyo na makibahagi sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Bata.

Ayon kay Gobernador Daniel Fernando, matutungahayan ang karamihan sa mga aktibidad patungkol sa mga bata sa Zoom at Facebook Live kabilang ang Child Development Workers Assembly at Panunumpa sa Tungkulin ng mga Bagong Halal na Opisyal ng Provincial Federation of Child Development Workers sa Nobyembre 16.

Gayundin, inaanyayahan nila ang mga miyembro ng Local Councils for the Protection of Children o LCPC na lumahok sa Quiz Bowl sa parehong araw kung saan maaari silang magrehistro sa: https://bit.ly/LCPCQuizBowl.

Bukod dito, inaanyayahan din ni Fernando ang mga kabataang Bulakenyo na may edad 8-19 na taong gulang na nais linangin ang kanilang mga talento at kakayahan na lumahok sa Regional I CAN! Talent Camp na gaganapin sa Nobyembre 13-14.

Maaaring magparehistro ang mga interesadong lumahok para sa link ng webinar at mga alituntunin sa https://bit.ly/ICTCStoryWritingClass para sa pagsulat ng kwento; https://bit.ly/ICTCDancingClass para sa sayaw;  https://bit.ly/ICTCPhotoVideoClass para sa Photo/Video Editing;  https://bit.ly/ICTCrochetingClass para sa Crocheting (Entrep Skill) at https://bit.ly/ICTCDrawingClass para sa pagguhit at pagpipinta.

Naka-angkla ang pagdiriwang ngayong taon sa temang “New Normal na Walang Iwanan: Karapatan ng Bawat Bata Ating Tutukan”. (CLJD/VFC-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here