Home Headlines NE solon: Isama ang TODA sa subsidiya

NE solon: Isama ang TODA sa subsidiya

1588
0
SHARE

LUNGSOD NG CABANATUAN — Isinusulong ngayon ni Nueva Ecija 3rd District Rep. Rosanna Vergara ang pagbibigay ng subsidiya sa may limang milyong tricycle drivers at operators sa buong bansa.

Sa kanyang privilege speech sa muling pagbubukas ng Kongreso nitong Lunes, sinabi ni Vergara na ang mga magta-tricycle ay katulad sa ibang miyembro ng sektor ng transportasyon na malubhang naapektuhan ng pandemya dulot ng coronavirus disease. Kaya marapat lang aniya na pagkalooban rin ng fuel subsidy ang mga ito.

Batay sa record ng Philippine Statistics Authority ay humigit kumulang sa apat na milyon ang tricycle sa bansa, higit na marami kaysa jeepney na may dalawang milyon at bus na humihit kumulang 31,000 noong 2013, ayon kay Vergara.

“This, Mr. Speaker, without a doubt tricycles continue to be regarded as primary means of transport in many towns and cities in our country and its contribution to these communities are undeniable,” pahayag ng mambabatas.

Binanggit din ni Vergara ang isang pag-aaral ng Asian Development Bank kung saan isinasaad na ang tricycle ay nananatili na pangunahing transportasyon sa mga lokal na pamahalaan dahil sa maraming benepisyo nito, kabilang ang “accessibility, availability, affordability, comfort and convenience.”

“Hindi maikakaila na maraming mga komunidad sa ating bansa kung saan ang tanging nakakaabot sa kanilang lugar ay mga tricycle. At sila ay tanging umaasa sa mga ito upang agarang maitakbo ang maysakit sa pinakamalapit na ospital, upang makapasok sa kanilang mga trabaho at makasahod sa araw na iyon, upang makarating sa mga pamilihan sa bayan para may makain ang kanilang mga pamilya,” paliwanag niya.

Ngunit kahit maraming.pamilya ang umaasa sa tricycle ay kulang na kulang ang suportang natatanggap ng naturang sektor.

Nakadagdag pa aniya sa dagok sa kabuhayan ng mga tricycle driver at operators amg pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

“Ang pagtaas ng presyo ng gasolina, damay amg pasahe, presyo ng bilihin, at iba pang aspeto ng pang araw-araw ng pamumuhay nating mga Filipino,” dagdag ni Vergara.

“Kaya naman sa nga ngalan ng bawat magta-tricycle, hindi lamang sa aking bayan ng Cabanatuan at sa ikatlong distrito ng Nueva Ecija, kundi sa lahat ng mga tricycle drivers ng ating bansa, panalangin pa rin po ng inyong lingkod na bigyang pansin ang iba’t ibang mga panukalang nagtataguyod ng kapakanan ng transport sector, kabilang ang kahilingan ng mga tricycle drivers and operators na sila ay maging bahagi ng fuel subsidy program ng national government,” ayon pa sa mambabatas.

Nauna rito ay inanunsyo ng Development Budget Coordination Committee na magbibigay ang pamahalaan ng cash grants sa mga drivers ng mga pampublikong sasakyan sa pamamagitan ng Pantawid Pasada Program ng Land Transportation. Franchising and Regulatory Board.

Samantala, ipinahayag din ni Vergara ang pangangailan na muling pag-aralan amg Oil Deregulation Law.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here