Patuloy ang serbisyong hatid ng Definitely Free from COVID-19 Bulakenyo, Bakunado: Bulacan Accelerated Vaccine Roll-out sa barangay San Miguel sa bayan ng Hagonoy. (Bulacan PPAO)
LUNGSOD NG MALOLOS – Nasa 1,123,117 na ang nabakunahan kontra COVID-19 sa Bulacan kung saan 866,381 ay fully vaccinated na.
Ayon sa Provincial Health Office, ang mga fully vaccinated na indibidwal ay 34 porsyento ng target na 70 porsyento ng mga maaaring mabakunahan na populasyon sa lalawigan.
Sa A1 priority group o mga healthcare worker, 52,549 ang tumanggap na ng first dose habang 46,725 ang fully vaccinated.
Sa A2 priority group o mga senior citizen, 158,322 ang tumanggap ng first dose habang 197,984 ang fully vaccinated.
Sa A3 priority group o mga persons with comorbidities, 190,338 ang tumanggap ng first dose habang 202,012 ang fully vaccinated.
Sa A4 priority group o mga economic frontliner, 612,291 ang tumanggap ng first dose habang 395,999 ang fully vaccinated.
At panghuli sa A5 priority group o indigent population, 65,220 ang tumanggap ng first dose habang 27,893 ang fully vaccinated.
Bagamat mataas na ang bilang ng mga nabakunahan sa lalawigan, muling pinaalalahanan ni Gobernador Daniel Fernando ang mga Bulakenyo na huwag magpakakampante at patuloy na sumunod sa minimum public health standards.
Maaari naman makita ang case update, vaccination statistics, at iba pang anunsyo na may kinalaman sa COVID-19 sa covid19updates.bulacan.gov.ph. (CLJD/VFC-PIA 3)