Home Headlines ATM ‘kinatay’ sa Gapan

ATM ‘kinatay’ sa Gapan

1428
0
SHARE

FB grab/CTTO


 

LUNGSOD NG CABANATUAN — Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Nueva Ecija police kaugnay sa “pagkatay” sa isang automated teller machine (ATM) sa isang mall sa Gapan City at pagtangay sa mga kahon nito na naglalaman cash kamakailan.

Ayon kay Col. Rhoderick Campos, Nueva Ecija police director, umaga nitong Martes nang matuklasan na sira ang ATM machine ng BDO sa Waltermart Gapan at nawawala ang mga kahon na kinalalagyan ng pera nito.

Batay sa imbestigasyon ay umaga ng Lunes nang mag-reload ang bangko sa naturang ATM.

Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya kung magkano ang aktuwal na laman ng ng natangay na ATM ngunit batay sa inisyal na impormasyon ay P4 million hanggang P5 million ang karaniwang ikinakarga ng bangko sa bawat ATM machine sa bawat reload, ani Campos.

Sa kuha ng CCTV, ayon kay Campos, ay lumalabas na sinamantala ng mga suspek ang kalakasan ng ulan dulot ng bagyong Maring noong gabi ng Lunes.

Sinisilip rin aniya ang anggulo ng inside job lalo’t may mga construction worker sa ikalawang palapag ng mall ngunit walang nakapansin sa pangyayari gayong nabutas raw ang isang bahagi ng dingding sa supermarket kung saan dumaan ang mga kawatan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here